Ang Parrot at Ang Pari 2

Galit na galit si Padre Juan sa narinig na sigaw mula sa parrot. Dahil doon napagisipan ni Father Juan na parusahan ang alagang parrot. Bawat uwi ng pari galing sa misa, dumadaan siya parrot at kanya itong binubunotan ng balahibo. Nasasaktan ang parrot, at nag dasal ng taimtim na sana mabigyan siya ng panahon na makaganti sa pari.

Isang araw lumindol ng napakalakas. Sa lakas nito, nahulog ang hawla ng parrot, at ito ay nakatakas. Lumipad ng lumipad ang parrot dahil sa sobrang galak na siya ay nakalaya. Lumipad siya hanggang siya ay mapagod at naisipan na lumipad pabalik sa seminaryo. Ngunit sa sobrang pagod, di na siya umabot sa seminaryo at siya ay pumasok sa isang butas at doon nagpahinga. Nakatulog nang mabuti ang parrot di na niya namalayan ang pagtakbo ng oras.

Hanggang sa siya ay magising sa mga ingay sa kanyang paligid. Sumilip siya sa butas at napag alaman niya na nag mimisa pala si Father Juan. At natanto niya nasa likod pala siya ng isang rebulto. Ngumiti ang parrot at naisipan na heto na ang pagkakataon na gumanti kay Father Juan.

Sumigaw ang parrot. ” Mga kababayan ko tayo po ay magsitayo at maghubad ng ating kasuotan.” Nagulat ang mga tao sa loob ng simbahan. At agad sinunod ang sigaw ng parrot, si Father Juan naman ay balisa at biglang sumigaw.

“Mga parokyano, atin munang alamin kung ito ba ay isang milagro.” sinagot naman siya ng parrot.

“Talagang milagro ito Father Juan at hindi ka exempted bakit nakadamit ka pa diyan. Maghubad ka na!”

Sumigaw ang isang ale kay Father Juan. “Father sumunod ka na baka parusahan pa tayo ng santo!”

Walang nagawa ang pari at siya ay naghubad ngunit itinira lamang ang kanyang itim na brief. Nakita ito ng parrot at biglang sumigaw. “Father bakit may itinira ka pa? Hindi ka na nahiya ang mga parokyano mo lahat ay nakahubad ikaw may natira pa!. Agad na hinubad ni Father Juan ang kanyang brief.

Nang makita na ng parrot na ganap na nakahubad si Father Juan bigla itong lumabas sa butas at lumipad sa harap ng pari. Bumuga ng malakas na tawa ang parrot sabay sigaw. “Si Father Juan maliit ang titi! Father Juan maliit ang titi”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s