Conversations With A Wang By Bobo Ang

Babala: Ang inyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang.  Ito ay binubuo lamang ng mga guni guni ng may akda.

Minsan nanonood ako ng TV, tiyempong ang naka parada sa tube ay ang advertisement na maghugas ng kamay habang kumakanta ng Happy Birthday ng dalawang beses.  Sersyoso kong pinagmamasdan ang buong advertisement.  Nang matapos ang advert, bumuluga na sa akin ang eksena ni Nene at Gabby na nagsisigawan.  Sabi ni Nene “Minahal kita, pero anong silbi ng pagmamahal ko kung di mo man lang masabi sa akin na I love you.

Napakunot noo ako ( hindi puede yagballs kunot na iyon) at naalala ko ang advertisement.  Natanto ko na ang mundo ngayon ay puno na ng mga obsessive compulsion disorder.  At upang madagdagan ang kaalaman ko sa abnormality na ito, kinausap ko ang aking kaibigan na si Wang.

Nagkita kami sa isang matao na lugar.  Siyempre dapat me tao, walang magsisilbi ng beer at magluluto ng pulutan. Nagkamustahan kami dalawang beses, imagine pati sa kamustahan parang pino promote na habit dalawang beses talaga.  At doon ko sinimulan ang aking katangungan sa kanya.

Bobo Ang:  Pare me napansin ako tuwing umiinom ka sa bote pinapaikot mo ang dila mo sa butas ng bote.
Wang:  Ganoon ba, iyan lang napansin mo, buti di mo napansin nakapilantik ang aking small finger.
Bobo Ang:  Ano gusto mo na konklusyon ko.  Pare feathers don’t make a bird.  Me bird na me pubic hair.
Wang:  Hahahahahahahaha.  Ano nga pala itatanong mo sa akin.
Bobo Ang: Nagtataka lang ako sa mundo ngayon, kasi para pinopromote na ngayon ang maging OC.
Wang:  Oo nga napansin ko iyan sa mga advertisements.
Bobo Ang:  Ikaw pare other than iyong pinapaikot mo ang dila mo sa bote ng beer ano pa ang mga OC behaviour mo.
Wang:  Sabi nila marami.  Pero wala naman ako napapansin
Bobo Ang: Ah ok baka ganito gusto mo sabihin “ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.” kaya di mo napanpansin
Wang:  Hindi ayokong nasasanay sa mga bagay na dati akong wala.
Bobo Ang:  Eh bakit ka pa kumuha ng isang bagay na dati kang wala at nasanay ka na meron.
Wang:  Kasi me bagay na wala dati at kinuha ko kasi sila ang nagpupuno sa kawalan at nasanay na ako na pag wala ang bagay hinahanap ko.
Bobo Ang:  So isa iyan sa OC syndrome mo.  Kasi me nakasanayan ka na isang bagay na dati wala, at nag hanap ka pa ng dagdag sa bagay na dati wala.  At dadagdagan pa.
Wang:  Tarantado ka Ano ba ibig mo sabihin na……………………
Bobo Ang:  Ulol hindi ang ………………………  ibig kong tukuyin. Itong beer, dati wala tayo nito noong high skul.  Nasanay tayo at heto dagdag na naman tayo.  Hoy waiter, Richard, Sam, ano bah  isang round nga ay dalawahin mo na.
Wang:  Cheers!!!!

Advertisements

One thought on “Conversations With A Wang By Bobo Ang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s