Ang Pari At Ang Parrot (Part 5)

Dalawang taon na ang nakalipas nang magdesisyon si Sister Maria na pumasok sa kumbento upang maging madre.  Wala naman talagang siyang pangarap na maging alagad ng Panginoon.  Ngunit dahils sa isang karamdaman na walang lunas, napagpasiyahan niya na subukan ang isang mungkahi ng isang kaibigan na subukan ang buhay ng madre.  Aniya ng kaibigan maaring ito na lamang ang tanging lunas sa kanyang karamdaman.

Nagtagumpay naman si Sister Maria sa kanyang hangarin na mabigyan ng lunas ang kanyang karamdaman.  Sa loob ng dalawang taon na inilagi niya sa kumbento na puno ng pagdadasal at pag sisilbi sa Diyos, talagang hindi na siya nakakaramdam ng mga hirap dulot ng kanyang walang lunas na karamdaman.

 

Subalit, isang araw biglang nabahala si Sister Maria.  Muling bumalik ang kanyang karamdaman.  Umiinit na naman ang kanyang katawan tipong may hinihanap siya na maaring pangtapal.  Ang problema niya maaring nga meron, ngunit hindi niya matatagpuan ito sa loob ng kumbento.  Maliban na lamang kung sa mga araw na me duty ang mga hardinero at karpentiro sa loob ng kumbento.

Talagang hindi na niya matiis ang pag iinit ng kanyang katawan.  Minabuti niyang hanapin si Mother Superior upang isangguni ang kanyang problema.  Natagpuan niya ang kanyang hinahanap aktong papasok pa ito sa loob ng kapilya.  “Mother! Mother Superior!  maari po ba kayong makausap kahit sandali lamang.  Importante lang po talaga.  May isasangguni lang po ako sa iyo” pakiusap ng mas nakakabatang madre.

“Ano iyan iyon sister Maria?  Halika umupo tayo dito sa may bench.”  sagot sa kanya ng Mother Superior.

“Meron po kasi akong i confess sa inyo Mother.”

“Ano iyon iha?”

“Kasi po ang totoo ay wala naman po talaga akong calling para maging madre.  Pumasok lang po ako sa kumbento upang mabigyan ng pansamantalang lunas ang aking karamdaman.”

“Ano ba ang iyong problema?”

“Me sakit ho ako nymphomania.  Matagal na po ito.  Ito ang dahilan kaya nag madre ako.  Sa awa ng Diyos, hindi po ako inaatake sa tawag laman at kamunduhan sa loob ng dalawang taon na pamamalagi ko rito.  ngunit, ngayon Mother superior, tulungan niyo po ako”.  Nag sisimula na namang uminit ang aking katawan ano po ang aking gagawin?  Kasalanan po saDiyos ang pangsamantalang lunas dito.  Ayoko pong magkasala sa kanya””

“Hay naku iha”  Madali lang iyan.  Bumalik ka doon sa kuwarto mo at maghubad ka, humrap ka sa salamin tumayo at mag posing na aktong me babarilin ka at sumigaw ka ng BANG!”

Hindi na sinagot at nagpasalamat si Sister Maria kay Mother Superior.  Mabilis itong tumakbo pabalik sa kuwarto niya at dali daling sinunod ang mungkahi ng Mother Superior.

“Totoo pala ang sinabi ni Monther!” bigkas niya sa sarili.

Bawat atake ng kanyang pagka manyak ay ganoon nga ang ginagawa ni sister Maria.  Ngunit, kagaya ng mga ordinaryong gamot nagkakaroon din ito ng tolerance level.  Ang sagot ni Mother Superior ay sa bawat pag increase ng tolerance level dapat increase the dosage.  Iyon nga ang ginawa ni Sister Maria.  Pataas ng pataas ang dosage.

Hanggang naka anim na BANG siya di na maibsan ang kanyang nararamdaman.  Muli hinanap na naman niya si Mother Superior upang humingi ng tulong.  Subalit, naikot na niya ang buong kapaligiran ng kumbento pati na ang mga kasulok sulokan nito hindi niya natagpuan ang kanyang Mother Superior.

Napag pasiyahan niya na puntahan si Mother Superior sa kanyang kuwarto.  Alam niyang bawal ito ngunit kailangan niyang gawin dahil nanghihina na siya sa epekto ng kanyang karamdaman.

Dahan dahan binuksan niya ang pintuan ng kuwarto ni Mother Superior.  Laking pagkagulat niya sa kaniyang nasaksihan.  Si Mother Superior, nakahubad, nakaharap sa salamin, at naka posing na aktong may babarilin at sumisigaw ng RAT TAT TAT TA TAT RAT TAT TAT TA TAT

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s