Mga Liham Ni Tita o Ate Charing

Dear Tita Charing.

Ako po ay may isang malaking suliranin. Naiinggit ako sa mga kaibigan ko kasi malapit na sila magkakaapo. Tulungan mo po ako. Paano ba ako magkaroon ng apo……… ……..

Lubos na gumagalang,

Rowena F.

Ang Sagot Ni Ate Charing

Dear Rowena F.

Una sa lahat ako ay nagagalak at iyong lingkod ang naisipan mong takbuhan ng iyong suliranin. Una sa lahat hindi ka magkakaapo hanggat wala kang anak. Pangalawa , hindi ka magkakaanak kung wala ka rin boyfriend or lalake sa buhay. Pangatlo, hindi ka talaga magkakaanak kung puro ka na lang period period period.

Ang Iyong Abang Lingkod,

Ate Charing

#####################################################

Dear Ate Charing,

Magandang umaga sa iyo at magandang gabi sa akin nasa TATe kasi ako.  Gusto ko lang sana I share sa iyo ang aking mabigat na dinadala.  Talaga hong mabigat sa sobrang bigat lalo akong nasasaktan lalo na pag suot ko ang aking stretch na maong.  Masikip kasi di makahinga ang aking mabigat na dinadala.

Lubos na nabibigatan

Rey D

Dear Rey D

Magandang umagabi sa iyo.  Talagang mabigat ang iyong problema.  Matagal ko nang napansin iyan.  Heto ang aking suggestments

  1. Huwag ka na mag suot ng bikini brief especially YC bikini brief hindi na uso ang brief na may secu pocket.
  2. Mas maganda kung mag boxers shorts ka di bale bakat if you have it flaunt it.
  3. Tsaka huwag ka na mag stretch jeans skinny jeans na ang uso ngayon.
  4. Seguraduhin mag shave ka para lalong hindi ma enhance ang kabigatan

Lubos na nabibigatan

Ate Charing

&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&

Dear Ate Charing,
Kamusta na po kayo.  Sana nasa mabuti kayong kalagayan.  Alam ko naman na mahilig ka sa lagay kaya minabuti kung kumustahin ang iyong mga kalagayan.  Talagang binigyan ko ng panahon ang pagkakataong ito na gumawa ng liham sa iyo, dahil sa ako ay kinakabahan.
Ganito po nagsimula ang lahat.  Isang araw nag bukas ako ng inbox ko at nagulat ako sa aking nabasa.  Nabanggit sa isa sa mga emails ang katagang CREME SILK, ako ay lubos na nababahala kasi po matagal na akong gumagamit ng CREME SILK at talagang hiyang na ako diyan.  Base sa aking nabasa mukhang me iba pang pagagamitan ang CREME SILK.  Maari ko bang malalaman sa iyo kung ano pa ang other use ng CREME SILK?
Lubos na Umaasa
Phoebe
Dear Phoebe,
Laking gulat ko nang mabasa ko ang liham mo.  Deretsahan na tayo.  Una sa lahat me mga bagay na me ibang pag gagamitan.  seguro naalala mo pa nong nasa mababang paaralan ka pa na parati kang sinasaway ng advertisement ng johnson’s earbud = phoebe ang lapis ay pang sulat sa paglinis ng tenga dapat mag johnson’s bud ka.  Isa lamang iyan sa mga ehemplo ng mga bagay na me ibang pagggamitan.  Dahil sa napamahal na sa akin ang creme silk heto at ibabahagi ko sa iyo ang ibang gamit ng CREME SILK.
Ang CREME SILK ay hindi lang isang conditioner, ito ay isang mabisang pangpadulas dahil
1.  Ito ay hindi natutuyo
2.  Hindi nakakabutas ng condom
3   Tamang tama lang ang lagkit
4.  Hindi mainit habang tumatagal
5.  Hindi ka magkaka rashes, bakit ang buhok mo ba ay may rashes
6.  Hindi gaya ng vaseline at petroleum jelly, after 25 seconds hindi mo maramdaman na nag lubricant ka natural ang feeling
7.  Ngayon magtatanong ka kung hindi ba ito nakakasama sa katawan ng tao, isipin mo na lang na lahat ng masarap ay nakakasama talaga sa tao.  Di ba pag sobrang tamis magkakadiabetes ka, pag sobrang taba magkakahypertension ka, pag sobrang laman loob magkaka uric acid kay.  Gamitin mo lang ang CREME SILK huwag i career.
At para sa iba pang karagdagang testamento ng mga gumagamit ng CREME SILK maari kang mag log on sa chat room ng dchs jacinto 83 http://www.chatzy. com/109680914890 at tiyak na maaliw ka dahil HINDI KA NAG IISA SA CREME SILK
Mabuhay ka Phoebe
Lubos na nadulas
Ate Charing
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Dear Ate Charing
Nais ko lang po ikuwento sa inyo hinggil sa mga stolen moments.  Isang araw isang pari nagsermon sa simbahan,noon sinabi ng pari ang ten commandments, thou shall not steal Natakot ako at nanginginig pinagpawisan ,kinakapa ko ang puwet ko, pero nung sinabi ng pari …thou shall not commit adultery,  nasiyahan ako.  Napansin ng pari ang aking emosyon…Pagkatapos ng misa nilapatin ako ng pari at tinanong ako kung bakit.  sinabi ko sa kanya na noong nag sermon siya ng thou shall not steal,nawawala ang wallet ko kaya natakot , pero noon sinabi ninyong thou shall not commit adultery naala ala kong saan ko naiwanang wallet ko…
Lubos na nasisiyahan
Jaime
Dear Jaime,
Magiging mas lubos ang kasiyahan mo kung i share mo ang kuwento na iyan sa chat room.  Dali bilis ikaw din baka makakatagpo ka ng puede mo makipag stolen moments,
Lubos na lubos
Ate charing
Dear Ate Charing,
Matagal na po akong me gusto na lumiham sa inyo upang matulongan ninyo sa aking dinadamdam na takot.  Ngunit, inabot ako ng pangangamba baka hindi ninyo mapaunlakan ang aking hinaing.  Sa gayon pa man naisip ko rin na kailangan ko talagang makuha ang inyong payo sa pamamagitan ng liham na ito.  Meron lang akong hiling, na kung maaari huwag po ninyong gawing dulang pang telebisyon ang aking kwento.  Hindi po kasi kaaya aya ang mga pangyayari sa aking ikukuwento sa iyo.
Nag simula ang lahat ng ako ay nakapag asawa sa edad na puede nang mag asawa.  Unang gabi palang nang aming pulot gata, nagkaroon ng lamat ang samahan naming mag asawa.  Hindi ko akalain na meron pala siyang pag uugali na hindi kanais nais.  Ganito po ang nangyari.
Mrs:  Love bagong ligo ako
Albert:  Love nakahubad na ako. Tara patayin mo na ang ilaw.
Mrs. Ha, huwag ayoko gusto ko ng maliwanag
Albert:  Love naman nakakasilaw ang me liwanag de ako maka concentrate.
Mrs. Love sige na mas masarap kung me ilaw mas erotic
Albert:  Love alam mo naman na mahiyain ako kaya gusto ko ng madilim.
Mrs: Asus nahiya ka pa eh meron pa ba diyan sa katawan mo na di ko pa nakikita.  Besides talaga namang maipagmamalaki naman yang sa iyo.
Albert:  Love naman walang ganyanan alam mo naman mahiyain ako.
Diyan po  nagsimula ang lahat.  Ano po ba ang maipapayo mo?
Yours truly
Albert
Dear Albert,
Una sa lahat puede ba mag isip ka na lang nang ibang terms of endearment, bugbog na kasi ang word na iyan.  Balik tayo sa liham mo.  Wala akong maipapayo kundi ang papiliin ka ang magkakaroon ng hiya o maging walanghiya.  At isa pa talaga naman mas exciting ang me liwanag kesa sa dilim.  Ikaw rin baka ibang butas ang mapasukan mo at di mo magustuhan ang amoy noon.  Pasalamat ka nga at me ilaw para ma detect mo kung me fake orgasm si misis.  Bago ko wawakasan ang sagot ko sa iyo, nais ko sanang imbitahin ikaw sa chatroom ng jacinto 83 masaya doon.  sundan mo lang ang link na ito
http://www.chatzy.com/109680914890 Sana ay di mo kami bibiguin
Lubos na umaasa
Ate Charing
$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$
Dear Ate Charing,
Tulungan mo po ako ako ay nababagabag.  Isa po akong dentista, in fairness marami naman akong pasyente.  In fact sa dami ng na extract ko na tooth, puede mo na silang gawing tower of babel.  Iyan po ang akong ikinabagabag ng aking damdamin.  Kasi po everytime na nag eextract ako ng tooth nakokonsiyensiya ako.  Kasi sabi kasi sa text message  : Sabi ng intsik pag ala kan tooth ala ka sex.   Naku baka wala nang sex life ang mga pasyente ko.  Tama po ba ang aking ikinabagabag?
Lubos na nababahala
Pinky
Dear Pinky,
Hindi ang tooth ang nakakasarap sa sex. Ito po ay dila.  Sabi nga ng iba ang ideal man daw is dapat meron 12 inch tongue and must breathe through his ears.  Sige lang ipagpapatuloy ang pag bunot ng mga ipin.
Lubos na dumidila
Ate charing
)))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))
Dear Ate Charing.

Pasensiya na po at wala akong ibang tao na matakbuhan upang isaliwalat ang isang dilemma ng buhay ko. Matagal na po nagpaparamdam ang aking mga kaibigan upang sila ay aking makisalamuha. Naiisin ko man gawin hindi ko pa rin maaring gawin sa ngayon. Dahil sa ako ay nahihiya na, minabuti ko nang bigyan ng authorization ang godfather ng WAG na ibigay sa kinauukulan ang aking email address. Naawa na rin ako sa kanya at siya ang aking napag utosan na mag pasa ng mga emails sa akin . At dahil diyan ako ay natatakot at baka ma mis interpret ng aking mga kaibigan na meron kaming tinatagong love affair ng godfather ng WAG. Bagkus mas malaking takot ang gumagala sa aking isipan kung ang iniisip ng aking asawa na ang godfather ay aking other woman. Sa totoo lang ate charing friends lang talaga kami. Anyway, ako po ay nangahas na sumulat sa inyo upang isangguni ang isang action plan. Ate charing nararapat na ba na ako ay makipagniig sa aking mga kaibigan sa chat room? Umaasa po ako na ako ay mabigyan ninyo ng isang magandang aral ukol dito sa aking sinangguni sa inyo.

Lubos na Umaasa,

Ricky (sigaimabsfua forever)

Dear Ricky (Sigaimabfua forever).
Nais kitang batiin at me action plan kana. Bago ang lahat nais ko munang ipaalam sa iyo na ang godfather at si tita charing ay iisang tao lamang. Minabuti kong ipaalam sa iyo iyan upang mas lalo mong maintindihan ang aking sasabihin. OK here are the details.
1. matagal ka nang miss ng mga friends mo.
2. huwag kang matakot pumasok sa chat room, hindi iyan boiler room.
3. matagal ka na rin nilang hinihintay upang pag uusapan ang t shirt design natin at ma piece together ang mystery ng sigaimabsfua
4. ang iyong abang lingkod ay matagal na rin nag aabang upang maki pag inoman sa iyo eh ano kung di ka na umiinom puede ka naman makipagtable sa akin. 5
5. Huwag mong alalahanin ang kantiyaw ng mga friends mo about sa love affair or other woman . kathang isip lang ko lang iyon.

Ang iyong matalik na godfather

Ate Charing

%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%

Dear Ate Charing,

Ako po ay natuksong sumulat sa iyo hindi dahil sa ako ay may malaking dinadala na problema. Sa totoo lang wala talaga akong problema, iyon ang kagandahan dahil wala akong problema. Hanggang dito na lamang po.

Lubos na umaasa,

Gwyneth

. Dear Gwyneth.

Binabati kita sa tagumpay ng iyong buhay. Isang malaking tagumpay ang mabuhay na walang inaalalang problema. Datapwat na nagagalak ako sa iyong tagumpay, sinayang mo lang ang oras ko sa pagbabasa ng iyong liham. Dahil sa naiiba ang iyong kalagayan minabuti ko na ring basahin at magsilbing inspirasyon sa lahat. Subalit, hindi maging lubos ang iyong tagumpay dahil ang problema mo hindi ka pa rin umiimik sa chat room or sa email man lang.

Lubos na umaangal,

Ate Charing

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Dear Ate Charing,

Ano po ba ang aking gagawin?

Lubos na naguguluhan

En En.

Dear En En, Una sa lahat hindi kita matutulungan sa problema mo. Eh wala ka naman sinulat na problema ok ka lang. Subalit, ikaw ay isang tao na may malaking puso, ikaw ay aking pagbibigyan. Heto ang aking maipapayo sa iyo bumalik ka sa egroup at may chat room na sila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s