Nasaan Na Ang Mga Noranians

by:  Alden I. Bula 

After the event “Thy Womb” (yes, it is an event, like a Halley’s Comet), I was thinking of an inspiration to write something about Nora Aunor.  There few temptations like forgettable movies scenes or actors who first landed an acting role in a Nore Aunor movie.  Somehow, I found the tasks very daunting and intimidating, baka ma chapter ako ng mga Nora Aunor authorities.  And, behold!.  In one of my visits in Facebook page of “Thy Womb” I read an interesting comment asking where are the Noranians, they could have helped the movie become a phenomenal hit.  Hmmmmmmmmmmm masubukan nga sagutin ang tanong na ito.

     Oo, nga kahit ako nagtataka nasaan nga ba ang mga Noranians?  So, I did mental calculations and travelled back in time.  She gained prominence in 1967, and when we do the math, that was 46 years ago.  If the average age or her movie fans then were 15 years old, by now they are already sixty years old.  And you know what, pag ang tao is holder na ng senior citizen’s card, expect na marami sa kanila do not have the strength to go malling and watch a movie.  Maghihintay na lang po sila ng DVD version (hindi po namimili ang karamihan sa kanila ng galling sa Pirates of the Caribbean or Pirates of Penzance.)  If you notice, when you go to audio video stores naka display prominently ang mga Nora Aunor movies (eye level, ika nga kasi nga may bumibili ng DVD’s niya). 

     In relation to the above idea, according sa Wikipedia(marami naman hong naniniwala sa mga entries dito kahit papaano kaya ito aking evidence)ang life expectancy ng mga Pinoy ay 71.66 years old.  Ibig sabihin noong nineteen sixty seven, ang mga tagahanga ni Ate Guy na ipinanganak noong 1941 ay nangamatay na.  At kung pagbabasehan ang estadistika, meron 5 tao ang namamatay sa bawat isang libo.  Do the ratio and consider that noong 1967 ang population ng Pilipinas ay nasa 33 million.  Kung one percent of that ay Noranian that is 330 thousand divided by one thousand 330 people divided by 5 equals 66 Noranians ang namatay na.  Kung buhay pa sila nag ambag ho sila g P9,900 sa takilya. Oo, maliit lang kasi ang base figure natin is one percent.  And everybody knows that from 1967, millions ho ang fan ni Ate Guy, kaya nga siya tinawag na SUPERSTAR, kasi niyanig niya ang bayan.  How we wish na they were still alive today, baka mag file ng public disturbance ang mga fans ng ibang artista kasi nga avid, ardent, passionate ang mga Noranians. 

     The bakya crowd was coined in the fifties but it was during the height of Nora’s popularity that the word has gained notoriety or fame.  Opo, majority ng mga fans ni Ate Guy ay working class.  Nasaan na sila?  Nandoon po sa Dubai, nasa UK, nasa Tate, nasa Osaka at Okinawa, nasa Canada, nasa Down Under.  They have to leave the country kasi karamihan po sa kanila ay hindi po nagtataglay ng pangalan na sa apelyido pa lang collateral na sa mga banko. (Gets na ninyo Thy Womb facebook fans kung sino ito.)Kaya hindi natin sila nakita na pumila sa takilya ng SM, Robinson, Gaisano, at iba pa.  Bagkus nagpadala ho sila ng pera para sa kanilang pamilya upang manood ng monumental film ni Ate Guy.  And, ang iba sa kanila mga walang utang na loob.  Maliit na kaligayahan ng nanay, ate, kapatid, at iba pang kapamilya na suportahan ng mga kaanak sa Pilipinas ang kanilang nais na mag tagumpay ang “Thy Womb.”  Pero ano ang ginawa ng mga (hindi lahat ha)ayun nilustay ang pera at nanood alam niyo na. 

     Hers was a Cinderella story, pero hindi ho naghihintay ng prince charming ang majority sa kanila.  Bagkus, a lot of Noranians were inspired with her story and motivated themselves to become a success story in their own right.  Kaya karamihan sa kanila ay bantugan at hindi batugan, kaya hindi sila nakapanood ay busy sila sa pagpupunyagi at maghanap ng ikabubuhay hindi lang para sa kanila kungdi sa buong angkan.  Ngunit, simpleng request lang ang pumila at manood ng Thy Womb di rin ginawa nila.  And to think, binigyan lang sila ng pera hayun mas ninais manood ng sampalan sa park, mag enjoy sa panlait ng tao at matuwa sa mga jokes na ilang milyong beses na na ishare sa mga social network pages at jokes websites and pages.  Salamat na lang at may mga special screenings at future DVD release at mapapanood nila ang pelikula after office hours.

     At huli sa lahat, hindi maikakaila na marami sa mga Noranian ay hindi lang closet queens but also closet Ate Guy fans.  And you know what anong problema sa kanila?  Me trabaho sila, me angking yaman.  Eh ano na lang kung nanood sila ng sine at bibili ng DVD copy later on?  Di ba? Malaking tulong din iyon?  Pero, ano ang ginawa nila?  Hayun, nahihiya.  They missed the experience of watching a Nora Aunor movie and at the end of the film, tatayo ka at pumalakpak (kung drama queen ang aura mo, am sure gagayahin mo na isang butil na luha lang ang papatak sa kaliwang pisngi at it had to stopped dripping when it reach the cheek bone level baka tatami sa nunal, hahahahhaha.)

     Hayan po para sa lahat ng nagtatanong kung nasaan na ang mga Noranians.  Oo, konti na lang kami, but just like all other realities in life, hindi po lahat matalino, hindi lahat mayaman, hindi lahat shallow, hindi po lahat nag tatagumpay always.   

 

Advertisements

10 thoughts on “Nasaan Na Ang Mga Noranians

  1. Korek dyan sa sinabi mo, este sinulat pala. Nandito po kami sa malayong lupain pero hindi nakaliimutan ang isang Nora Aunor. Masaya kaming sumusuporta sa lahat ng kanyang sining. Nakikiisa kami sa lahat ng Noranian sa kasayahan at pag dadalamhati sa bawat yugto ng buhay artista o personal man.
    Nakikita namin sa kanya ang aming sarili, may panahon na nagkamamali sa mga decision sa buhay pero tinatama, panahong umiiyak o kayat tumatawa sa hirap at sarap ng buhay. Isa sya sa amin. Superstar sya, mataas ang kinalalagyan pero naaabot namin sya. Sya ang Superstar ng bakya noon, at superstar pa rin ng elite ngayon.

  2. For sure nababasa ng writer na ito ang mga post ko sa Thy Womb page. Talaga namang special mention pa ang closet queen at closet Noranian ha!

  3. hahahah bongga …kaw na Denal kaw na! naalala ko nga yung mga taym na kapag nanonood ako ng movie ni Ate Guy sa sinehan noon i’ll make sure talaga na walang makakakita sa akin kaya super tingin muna talaga sa aking kanan, kaliwa, likuran bago ako pipila sa box office window..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s