Huwag Magalit Kay Nora Aunor

Mga Rason Bakit Galit Ang Iba Fans ng Ibang Artista Kay Nora Aunor

by Alden Bula

Oo!!!, Noranian ako, kaya lahat ng mga artikulo at sabi sabi about kay Nora Aunor hinahalughog ko sa internet.  Karapatan ko iyon at karapatan din ng ibang fans ang ganitong gawain. Subalit, hindi ko puede palagpasin ang mga bagay bagay na alam kong mali at kasinungalingan.  At hindi puede tatahimik lang ako kung alam ko hina hampaslupa na si Ate Guy.  Ang tanong, bakit ganoon?  Bakit ang atake ke Ate Guy as if mas malaki ang nanakaw niya na pera kay GMA.  Bakit, mas immoral siya kay FPJ, sino ba ang may anak sa labas?  Bakit feeling ng ibang fans club anghel ang kanilang idolo?

Heto ang mga sagot.

  1.  Noon pa man inalipusta na si Ate Guy.  Mabuti na lang may Carmen Soriano, Jose Perez, at Artemio Marquez na nagtiwala sa kaniya.  Yes, dahil sa kanila may Nora Aunor, ang tanong sino ang nag pasimula na may Vilma Santos?  Wala, dumikit lang siya kasi kailangan may katapat.  Ganoon ang industriya ng pelikula, kaya may Susan vs Amalia at ewan sino sa fifties baka Gloria vs Nida.  Sabi nga kahit si Helen Gamboa galit kay Nora kasi naunsiyami ang pagiging superstar niya. 
  2. Kasalanan ba niya na dahil sa pagiging singer na develop niya ang empathizing with the character in a song.  Again, iyan ang kulang sa mga bagong singer, kanta lang sila ng kanta.  Hindi inaalintana na me character behind the song.  Di ba kahit si Madonna, alam niya kung ano ang ibig sabihin ng kanta niya na “Borderline” kaya relate ang video.  It is of no wonder na at less than 30 years old humahakot na ng award si Nora Aunor.  Galit ang ibang fans kasi negrita na hakutera pa. 
  3. Every year na lang if I remember sa Kislap magazine parating me article “Huling Baraha ni Nora Aunor.”  Kaya siguro sugarol si Ate Guy kasi alam niya there is no such thing as huling baraha.  Kasi sa casino, bago mag gutay gutay ang baraha palitan na.  I still believe, before Hollywood invented the word reinvention, ginawa na ni Ate Guy iyan.  And I believe naging inspiration niya si Barbra Striesand na kailangan mag invest sa UNITED ARTIST FILMS para to make movies that she want not what the studio wants.  Dito galit ang ibang fans, kasi ang iba naghuhubad pero si Ate Guy nag lilitanya na ng “My brother is not a pig” at nag direk pa ng “Nino Valiente”. 
  4. Tralala talaga ang Nora Aunor, pero wala siyang pakialam.  Siya lang ang nag host ng variety show na lasing hahahahaha.  I won’t condone this but somehow kakatuwa lang, if I want to recall.  Pero, si Vilma, until now urban legend pa rin ang pag abasag niya ng mga baso at salamin sa Hyatt sa Roxas Boulevard kasi tinalo ng atsay ang rape victim.  Siguro kung aminin ni Ate Vi eto baka bumaliktad pa ako.  Galit ang ibang fans club, kasi nga loka loka si Ate Guy pero ang mga kritiko look beyond the craziness instead focused more on the artistry.  Mga Vilmanian baka nakalimutan ninyo si Gina Pareno pinatawad ng madlang people sa kanyang pagiging adik. Bakit di ninyo magawa iyon kay Nora?
  5. Lastly, sa simula pa lang, lahat ng mga pantasyadora nag prepare na ng Mongol with eraser para burahin si Ate Guy.  Laking tuwa nila na nawala siya for eight years.  Pero bumalik, at sa isang iglap, binawi lahat ng nawala.  Galit ang mga ibang fans kasi nga nag reyna reynahan na walang karibal at suddenly bumalik ang nawalang reyna at walang kaabog abog kinuha ang lahat ng nawala.  Galit sila kasi nga di nga daw kumita ang pelikula pero ayon trending sa social media.  Hahahahahhahaahha. 

Ewan ko sa inyo.  Magalit na kayo.  Heto ang analogy.  Si Lady Gaga is trumpeting as the next Madonna.  Ayon hanggang next lang.  Dapat kasi si Vilma, hindi na dapat sumabay.  She must find her own niche sa industry.  OO, tama nagging politico siya, kaso alam natin na dummy lang siya.  Mga Recto pa rin ang nasa behind niya hehehhehehe (soweeee).  Kinarer na ni Ate Guy ang masa, kaya dapat ang Ekstra pinaubaya na niya ke Nora.  Yes, I agree kaya win na win siya sa Relasyon kasi nga ginawang tao ni Isma ang mga Kabit.  Ganito dapat ang niche ni Vilma.  For example, gumawa siya ng pelikula na mala anatomy of corrupt politician or perils of trying hard actress.  Iyon baka maungusan niya si Nora in terms of artistry.  Kaya huwag na kayo magalit, kasi nga tatahimik lang balugang aktres pero ang achievement more than ray of light.  

Advertisements

5 thoughts on “Huwag Magalit Kay Nora Aunor

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s