My History As A Noranian

My History As A Noranian
Nagsimula ang ideya ng article na ito dahil s isang Facebook page na administered by a Noranian, of course. He posted a question to some members that goes like this, “paano nagsimula ang pagiging Noranian mo at ano ang halaga nito sa buhay mo.” It was an interesting question at madaling sagutin. Kahit sino alam nila kung ano ang istorya behind sa pagiging Noranian. Heto ang sagot ko:

nora aunor
Nagsimula ang pagiging Noranian ko in 1973. Kalilipat lang namin sa GSIS Subdivision in Matina, Davao City. Wala pa kaming TV that time, pero ang kapitbahay namin sa harap meron. Unang linggo pa lang namin sa bagong bahay, namulatan ko na sa tapat ng bahay naming ay parang may birthday party bawat Linggo. Iyon pala, ang ibang mga kapitbahay na walang TV ay nakikinood doon sa tapat. Pagkaraan ng isa pang linggo at Sunday na naman, hayun kumatok me at nag paalam na makinood din. At pagsapit ng gabi,, ayun Superstar na ni Nora Aunor.
nora aunor 2

Ang mga hindi Noranian walang magawa at hindi nila pagmamay-ari ang bahay at TV, kaya napilitan din sila manood ng show ni Nora. Sa aking pagkakatanda, hindi naman nila nilalait si Ate Guy tuwing nanood sila ng show ni Nora. Bagkus, sila ay hoping na one day makita nila si Nora Aunor sumayaw. At nangyari nga ang inaasam, isang episode kumakanta si Nora ng “Could It Be Magic” dancing to simple steps. Matapos sumayaw kumanta at sumayaw si Nora, siyempre palakpakan ang studio audience. Kaming nasa harap ng TV ay tahimik na patuloy ang panonood. Ang may-ari ng bahay ayun tumitili ng “Ano ngayon Vilma Santos, si Ate Guy marunong sumayaw pero ikaw hanggang tono lang sa pagkanta kaya mo. ” Ang isa sa mga hindi fan ni Ate Guy, umimik at sumagot ng “OO nga talo talaga ni Ate Guy si ATe Vi.” Mayat-maya sa TV screen kinakausap ni Nora ang mga fans sa studio at tinanong “Ano nagandahan ba kayo sa sayaw ko?” At sumigaw ng malakas na “OO” ang mga fans. Nagtanong ulit si Nora, “gusto niyo bawat Linggo ganito ang opening number ko? At isang malakas na tili at sigaw at masigabong palakpakan ang iginawad ng mga Noranians na nasa loob ng studio.

Alam ko deep in my heart, doon nagsimula ang story ko as fan ni Nora Aunor. My being fan underwent several stages. Ang unang baytang ay masasabi ko na introduction stage. Ang may-ari ng bahay ay avid buyer ng komiks at movie magazine. When she sensed that I had become and still a Nora fanatic, she allowed me to pour over her komiks and magazine collection (Movie Star Special, Superstar Komiks, Kislap Magazine). I still remember then na these reading materials had Nora as cover page especially Superstar Komiks. Sa pamamagitan ng mga komiks at magazine na eto, alam ko kung ano ang bagong movie ni Nora, bagong leading man, bagong plaka, bagong award (there was a special edition sa Kislap listing all the awards of Nora Aunor by the time she reached the age of 30 years old) at bagong intriga.
nora aunor 3
Ang second stage ng pagiging Noranian ko ay maituturing ko na Latent stage. This is the time na ako lang ang nakakaalam na great fan ako ni Ate Guy. Nahihiya ako to proclaim I am a Noranian kasi nga lahat ng mga Vilmanian na alam ko ay nakakariwasa sa buhay. Parang feeling ko pag mahirap ka automatic Noranian ka. Nadagdagan pa ang stress ko sa buhay as Noranian, kasi ang Nanay ko is an English teacher at she frowned on Nora Aunor at that time. But as a whole, she really discouraged me from patronizing Pinoy movies kasi nga di daw mag improve ang English ko. Kaya kahit na may TV na kami, ayun puro GMA primetime ang nasa boob tube kasi at the time si Where You Belong Station puro stateside ang mga palabas. Kaya pag Linggo doon pa rin ako sa kapitbahay nanonood ng TV kasi nga Noranian siya at makapanood ako ng Superstar. Dahil sa hirap ng buhay naming noon, hindi ako makapanood ng mga movie niya at nora aunor 4 kontento na ako na hintayin na lamang iyon ipalabas sa TV. At, I can only see her old movies during Sampaguita days pa during school break kasi pang hapon ang time slot at walang klase. So, instead of taking a nap nanood ako ng Tagalog Movie Classics lalo na pag nasa movie si Ate Guy kahit isang scene lang at kumakanta.

Ang tagal ng latent stage ko as Noranian. I became a Noranian openly when I also declared my sexuality. Yes, naging in tandem ang dalawang issue sa buhay ko. Para bang at that time, pag nalaman ng mga tao sa paligid ko na kulang na lang me poster ako ni Ate Guy sa bahay, ay maconfirm ang aking kabadingan. Alam niyo ba kung anong taon ito? Year 2001 na nang hindi na ako nahihiya malaman ng kapamilya, dabarkads, work colleagues, and clients na si Nora Aunor ang aking movie idol. Sa stage na ito, I discovered na hindi naman pala dapat ikakahiya ang maging Noranian. Some of my friends were manghang mangha sa dami ng alam ko na trivia about Nora Aunor. Mga karunungan like Si Nora ang unang box-office queen, na binili ng movie producer ng Beep Beep Minica ang Famas award ni Vilma dahil palabas ang naturang pelikula ni Ate Vi, naging leading man din Nora si Eddie Rodriguez at ang role ni Ate Guy ay taga piga ng isda upang maging patis at iba pang mga kaalaman tungkol kay Ate Guy.
nora aunor 5
Ano ang halaga ng pagiging Noranian sa buhay ko. Whew, mag paka profound pa ba. Simply lang ang sagot ko, hindi matutumbasan ng pera ang ligaya ka every time I read stories about her, mga lait na narinig ko (especially ng mahuli siya sa Tate dahil sa druga), watching her movies, at eagerly waiting for new projects and stories about her. Ganoon lang ka simple ang halaga pero it made the kind of person today. Naging matalino ako kasi nga ayokong isipin na mga mahihirap lang ang mga fans niya. Naging matapang ako in a way kasi I need to overcome my sexuality in order to declare formally as a Noranian. Naging extrovert ako kasi nagging inspirasyon ko si Nora. Sabi ko sa sarili ko kung ganda lang pag-uusapan kung nakompleto ang pagkababae ko mas maganda ako kay Nora Aunor. Kaya naitanong ko sa aking sarili bakit mahiyain ako? Ayun ginawan ko ng paraan and all of a sudden I found myself dancing in several variety shows sa Ateneo de Davao noong nasa college ako. Natuto akong huwag matakot sa mikropono at mapangahas na akong kumakanta sa KTV or comedy bar dito sa Davao.

Kayo ano ang kuwento ninyo sa pagiging Noranian ninyo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s