Top 5 Reasons on the Importance Of National Artist Award For Nora Aunor

by:  Alden I. Bula

Before anything else, I know that some people would say that the award is only important to Nora Aunor Fans.  However, if you are one of those million Filipinos who are not fan of hers but belong to the category of learned and objective Filipinos, you will know that the award is important for all of us Filipinos.  Here are the top ten reasons why:

  1. Ito ay hindi lamang katuparan ng isang pangarap but, it is also a recognition for those who dreamed big and became successful.  Marami sa atin hanggang pangarap lamang and refused to work on it.  Kaya ang daming lulong sa sugal upang yumaman, ang daming nangurakot whether it is in private companies or public offices upang maitawid lamang ang mga pang – araw araw na gastusin, at marami din gumawa ng kasamaan (magnakaw, magbilad at ibenta ang katawan, gumamit ng ibang tao at iba pa) dahil sa tingin nila ito ang pinakamadaling paraan upang kumita ng pera at yumaman.  Dahil sa karangalang ito, baka marami sa atin will be inspired to work on their dreams instead of doing otherwise.Image
  2. Ito ay pagbibigay ng importansiya na ang pangarap ay para sa lahat, na walang discrimination pagdating sa larangan ng pag-aartista o sa anumang industriya.  Sabi nga ng isang kapapanalo na colored actress kahit saan ka man ang pangarap ay always valid.  Sino ba talaga ang mag-aakalang ang isang mala-anito na bata ay sisira sa usual standards upang maging artista?  Kaya kung napapansin ninyo marami noon ang nangarap at pumasok sa mga reality shows kahit sila mismo alam na hindi papasok kasi nga it is for everybody.Image
  3. Ito ay simbolo sa pagbibigay ng halaga sa tinatawag na body of accomplishments. It is true that Nora had her ups and downs, made stupid mistakes, destructive decisions, and among others.  Pero, hindi  naging hadlang ang mga ito upang siya ay sumurender.  Nakita natin kung paano siya bumangon sa bawat pagkadapa niya.  Nakita natin kung paano siya naging humble na akuin lahat ng responsibilidad sa bawat pagkakamali niya.  Sabin ng maraming psychologist bago mo maituwid ang lahat ng bagay sa iyong pagkatao, mag-umpisa ka muna sa sarili mo at tanggapin ng maluwag pa NAIA3 ang mga pagkakamali mo.  It will take generations bago may pumantay lamang sa mga nagawa ni Nora.  At ang kanyang mga accomplishments ay hindi lamang achievements para sa kanya at para sa fans niya.  These accomplishments made an impact of cultural significance.  Hindi siya isang novelty or flash in the pan.  She reinvented and educated herself upang maging current, significant, and important always. 
  4. Ito ay isang physical manifestations na hindi lahat ng Pinoy ay mahilig sa basura, tama na iyan attitude, basta lang may magawa at maipresenta, at kung ano pang iba.  Isa sa mga rason kung bakit marami sa atin ay hindi naging successful sa buhay kasi nga mahilig sa mediocrity.  Yes, me mga semplang si Nora na movies in terms of quality, but these were offsetted by the number of films she made that were considered as classics, ground breaking, and thought provoking.  Ang award na ito will remind Filipinos na quality of work is really very important if you want to be recognized and leave a legacy not only to your family or clan but to other Pinoys as well.    
  5. Pagbibigay halaga sa isang struggle ng isang mahihirap.  Sabi nila ang ginagawa ng mga Noranians ay lobbying o paglilimos, and I say hindi, ito ay isang advocacy.  Ang tagumpay ni Nora Aunor ay tagumpay ng mahihirap dahil ang mga fans niya ay buong Pilipinas at karamihan nito ay underprivileged.  Ito ay maituturing na advocacy dahil alam natin kung hindi guwardiyahan ang proseso, ito ay malulugaw lamang, gaya ng ginawa noong nakaraang administrasyon.  Hindi ito pagmamakaawa dahil maraming mga experts, professionals, celebrities are unison in saying na she deserved it long time ago pa.  Gaya ng the attention that the masses deserved in every generations, pero hanggang ngayon lugmok pa rin sa kahirapan ang mga Pinoy.  Ang award na ito will serve as a guide on how to lobby an advocacy.  Hindi iyong panay sa kalsada lamang ang pakikibaka. 

 Kaya maraming salamat doon sa mga nakibaka hindi lamang online but also offline.  Alam ninyo kung sino sino kayo.  At para doon sa nanood at naghintay lamang sa pakikibaka maraming salamat din sa attention na ibinigay ninyo.  Harinawa ito ay magsisilbing gabay upang ang mga pangarap din niyo ay ma-realize sa mabuting paraan.  At para doon sa mga bashers, tandaan ninyo na ang mga intsik ay puro gawa hindi dada upang kumita ng pera.  

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s