Bakit Si Nora At Hindi Si Dolphy For National Artist

By: Alden I. Bula

Sa aking palagay isang malaking insulto sa pagiging National Artist kung si Dolphy ay magawaran ng ganitong parangal. Kahit sa aking palagay si Fernando Poe ay hindi rin katangi-tangi at karapat-dapat na maging isang pambansang alagad ng sining. Nagkataon lang na ang hari ng komedya at aksiyon ay pawang namatay at in grief pa ang mga fans nila, pampalubag loob lamang sa kanila ang ganito parangal. Heto ang mga rason bakit hindi karapat-dapat si Dolphy maging National Artist.
1. Kung ibinagsak nila ang imoralidad kay Nora Aunor ang isang dahilan bakit hindi puede maging National Artist ang Superstar. Hello, mas immoral si Dolphy. At least si Ate Guy hindi nagka-anak sa ibat ibang lalaki, bagkus nag ampon pa. Si Dolphy ay parang pusang gala basta pusa hahabulin at inanakan.
2. Ano ba talaga ang kontribusyon niya sa sining ang magpatawa? Eh di kung ganoon hindi na ako magtataka na next year maging nominado ang kabayo as National Artist. Lahat puede magpatawa, alam natin iyan. Madapa ka lang matatawa na ang mga tao, mali lang grammar mo pagtawanan ka na, mispronounce mo ang words ayun buong kapitbahay alam nila na ganito ka kumanta “Fut your lep put in fut your lep pot out.” Madaling magpatawa aminin natin, lalong nagging glaring ang issue na ito dahil sa Facebook.
3. Walang pelikula si Dolphy na maituturing na groundbreaking. Alin ang mga bakla roles niya groundbreaking? Haller, subukan kaya ni Piolo at Sam mag bakla baklaan sa pelikula, tignan naitn kung hindi ba trailblazing ang movie. Ni hindi nga aware ang mga manonood ngayon na minsan siya ay na-iderek ni Lino Brocka. Wala ngang famous at memorable line siya. Memorable sa kanya ang mga babaing naanakan niya.
4. Oo. Haligi nga siya ng industriya, pero ang material ng haligi is putik. Ibig sabihin, hindi maitukoy kung anong haligi niya ang naitayo. Si Nora, alam ng lahat na ang Broadcast City ay naging haligi sa broadcasting ng dahil kay Nora Aunor.
5. Hindi ko matanggap na dahil sa iyak ni Zsa Zsa tama na iyon para maging National Artist. Eh di dapat iproklama din natin ang ex-husband niya as National Artist for Dentistry. Segurado bumaha din ng luha at hinagpis nang siya ay iniwan siya ni ZsaZsa dahil sa bombilya. At huwag natin kalimutan ang sintonadong pagkanta ni Alma noon ng “Don’t Let Me Be The Last To Know.” Tapos sasabihin natin immoral si Ate Guy. Maghalungkat nga kayo kung may record si Nora sa Tate about her drug apprehension. Yes, nangyari iyon, ngunit nabura din ng natapos niya ang kanyang serbisyo as part of the agreement. Pero, kailanman, hindi mabubura na babaero si Dolphy. Moral ba iyan? Dapat ito ang ginawang issue ng CBCP, hindi ang marijuana puffing ng One Direction member.
6. Ang pagiging National Artist ay dahil sa antas ng kontribusyon sa sining. Hindi sa palakihan ng sex organ. Kung kontribusyon man lamang, wala sa kalingkingan ni Nora ang naambag ni Dolphy. Sumemplang din siya sa takilya, corny karamihan sa mga movie niya, at higit sa lahat, kasing tino niya ang katinuan ng mga pelikula niya. Unlike Nora, oo marami siyang pagkakamali pero, hindi mo maaninag ang pagkakamaling iyon sa mga obra maestrang mga pelikula niya.
Gawin natin na mas makabuluhan dapat ang proseso sa pagiging National Artist. Kung ako lang masusunod, huwag bigyan ng schedule ang nomination at proclamation. Let time decide kung dapat may mga taon na dapat mag deklara. Let us also remain to true to form sa context ng National Artist at hindi basehan ang opinyon, respetuhin ang parameters lalo na ang kontribusyon sa sining, kultura, at heritage.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s