Ponderings on TAKLUB

Mga Obserbasyon Tungkol sa Pelikulang TAKLUB

BY: Alden I. Bula

At this point in time, mahirap na sa akin ang gumawa ng movie review sa pelikulang ito dahil nga marami na akong nabasa na reviews and I am sure my ideas would be treated by some as the same with other reviewers. Ayaw ko naman tawagin na plagiarists or as Cherie Gil put it decades ago, ‘a second rate trying hard copycat.”  So, I decided to write na lang mga observations ko sa pelikulang ito.

from pageone.ph
from pageone.ph

After seeing the movie, na pa wow ako dahil sa mas maraming nabigkas na salita si Ate Guy dito kumpara sa “Thy Womb.” Dito mo mapapansin kahit sa bigkas ng mga salita umaakting ang kanyang tono.  It worked very well that medyo throaty ang voice niiya dito as it means hindi pa tapos si Bebeth (ang karakter niya sa pelikula) sa pagdadalamhati.  Lumalabas na parang hindi siya apektado sa trahedyang nangyari sa buhay niya dahil kinaya pa niya ang tumulong sa kapwa kahit siya mismo hirap na hirap na pero doon sa boses mo mababanaag ang kanyang paghihirap.  I believe that this is one factor that separates Nora Aunor from other great actresses; may mata na siyang umaakting, may boses pa siya na may sariling acting technique.

Mapapansin mo rin or naggng obvious ang style of directing ni Brillante Ma. Mendoza dito. So, far three movies pa lang ang napanood ko sa kanya; SERBIS, THY WOMB, at TAKLUB.  I noticed that these three movies ay meron execution na parang you are watching a tableaux or you are watching a student skitfest.  Iyon nga lang, ang tableaux ni Mendoza puede mong pag-baliktarin ang arrangement ng scenes and still you get the same movie.  This is very evident sa Taklub where the stories of Bebeth, Larry, Renato, and the magkapatid na lalaki puede mong baguhin ang arrangement ng mga eksena at iyon pa rin ang takbo ng pelikula.

Habang pauwi na ako, I suddenly realized that watching this movie is like reading a textbook on literature.  Una, ang story telling ni Alipio (scripwriter) ay similar sa mga obra ni Ernest Hemingway. For example, sa short story niya na “Hills Like White Elephant,” there three stories in one short story. Ganoon din sa Taklub, hindi lang tatlong istorya, maraming istorya pati ang aso ay may sariliing istorya, pati ang megaphone me istorya din. Meron ding salute to Greek mythology dito which is ang karakter ni Lou Veloso na purong sagwan ang drama.  It reminds me of Kharon, the boatman in the River of Styx who transported the souls from Styx to Acheron.  Ang paghihinagpis ni Renato simply means that he would keep on ferrying the souls of his dead family unless he accepts the reality that he needs to move on.

Kung si Renato iba ang drama sa pagtanggap ng trahedya, si Larry naman ay may sarili paraan to absolve himself sa guilt niya na hindi nagawang isalba niya ang ibang miyembro ng kanyang pamilya.

from businessworld.com
from businessworld.com

The act of burying the crucifix which he found is probably a reminder to film viewers of how one should deal with sorrow; accept, take charge, and move on.  Ika nga no amount of religious fervor can make the dead come back.  Iyon si Larry, pilit niyang buhayin ang mga namatay sa pamamagitan ng debosyon at saka niya na realize na hindi kaya isalba ng debosyon ang mga buhay nang mamatay ang kanyang Tiya Soping.

Honestly speaking, I found the story of Renato and Larry more interesting kesa kay Bebeth.  But, it doesn’t mean na hindi important si Bebeth sa istorya.  I know maraming mag-react sa aking oberbasyon kaya paumanhin po ha. As far as I am concerned this is how I see the movie.  I believed that Bebeth is the Jesus Christ in this film.  Kung Christian ka, you will realized that Nora’s character is what the doctrine of Jesus was telling us all along.  Di ba kahit si Kristo alam niyang makakaranas din siya ng mapait na karanasan ngunit hindi niya tinalikuran ang responsibilidad na to save the sinners.  Ipanakita ni Bebeth na hindi hadlang o rason ang mapait na karanasan upang ipagpatuloy ang buhay na marangal.  Hindi mo nakita sa pelikula na nakipag-agawan siya ng pagkain bagkus siya pa ang bumibili ng pagkain.

from mb.com
from mb.com

Nakita mo siyang nag-sisilbi ng pagkain pero hindi pinakita sa pelikula na nag-bayad ang kanyang mga parokyano, your house is my house ang drama niya.  All of these suggest that humanity will solve its problem if only people are willing to sacrifice.

Opo maraming aral ang pelikulang Taklub. It is the kind of movie that will make you genuflect. Hinahamon ng pelikula na dapat mag-isip ng mabuti ang sangkatauhan kung paano niya iligtas ang kanyang sarili.  Simulan na natin ang mag-isip ng hakbang para sa ating kaligtasan.

Advertisements

One thought on “Ponderings on TAKLUB

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s