PINAKABA KABA KA BA NG WHISTLEBLOWER KAGAYA NG PAGPAKABA SA IYO NG KAKABAKABAKABA NI MIKE DE LEON?

 

Sa unang himno pa lang ng pelikulang Whistleblower kakabahan ka na sa lapat ng musika.  Ang pakiramdam mo para kang manonood ng banyagang pelikula.  Ngunit, taliwas sa iyong akala considering na ang mga naunang eksena involving Nora at Liza Lorena akala mo it would be just another pretentious indie film.  Simple lang ang story line ng Whistleblower;imagefrom chuckiedreyfus.ph

  • Accountant si Nora
  • Na – meet si Lorna (Cherry Pie Picache) at na-establish kahit papaano mag-kamag-anak pala sila which Zeny’s (Nora Aunor) mother (Anita Linda) agreed na mas maige pang mag trabaho sa kamag-anak kaysa sa ibang tao.
  • Naging asset si Zeny sa trabaho prompting the people behind the corrupt scheme to declare na tama na, palitan na si Lorna.
  • Of course, hindi pabaya si Lorna Valera at she fought until the very end.
  • At the end of the day, nagging whistleblower din si Lorna along side with Zeny with the reporter (Angelica) playing the devils advocate.

Ganyan kasimple plot ng pelikula but the way the story was executed akala mo epic ang movie.  It is like watching a “behind the scenes” sa actual na pangyayari involving Janet Napoles et.al.  If the movie is an essay, it explains and describes  how corruption involving the PDAP evolved, happened, and will remain in the corrupt system of governance. imagefrom pepdotph

The movie is effective if the purpose is to enlighten people about current realities involving corruption.  The movie is effective in describing how corruption works in some aspects involving our supposed esteemed politicians.  Mang-gigil ka talaga sa galit lalo’t na marinig mo si Laurice Guillen saying “I MODERATE MY GREED.”  Sa lagay bang iyan sa pelikula at sa totoong buhay may moderation ba talagang nangyayari.

Bakit Enthralling Ang Pelikula

Maraming rason bakit nagging epektibo ang paglalahad ng istorya sa pelikula.  Una, ang mga pangunahing tagapaganap at mga pangalawang tagapaganap kahit ekstra or cameo, ay talagang angkop sa kanilang roles.  Si Celeste Legaspi ay akma doon sa role na mala-Miriam Defensor Santiago kahit ang aura niya ay mala Armida Segioun Reyna, Ricky Davao is just as effective playing a Tito Sotto like character in the movie, Laurice Guillen was really a heifer incarnate playing both the good and the evil for example.  Kahit nga si Cogie Domingo hindi nagging hadlang ang dowdegrading ng kagapuwahan para maging alagad ng batas; hindi siya si Cogie sa movie kung hindi pulis na NBI agent pa.   imagefrom spot dot ph

Product design wise, mababanaag mo that this movie is not your typical indie film.  In fact, doon pa lang sa mga party scenes, talo pa nito ang mga party scenes sa mga Star Cinema movies where ang cheap ng mga gowns at ang timawa much ang peg ng mga guests sa party scene.  In this movie, ang mga party scenes, especially doon sa kung saan namumudmod si Lorna Valera ng trip to Holy Land with matching pocket money, bongga talaga ang mga pagmumukha at ambience ng party scene talagang pinagkagastusan.

Pangatlo, ang mga artista sa pelikula ay talagang umaakto doon sa mga role na kanilang ginagampanan. Makikita mo talaga na si Yul Servo ay isang congressman hindi actor.  Lahat sila ay mga karakter ng pelikula.  Kahit ang wig ni Nora hindi mo mapapansin, kahit ang kabaklaan ng acting ng isang staff ni Lorna Valera, hindi mo mapapansin.  At talagang ramdam moa ng suntok at sampal sa mga eksenang mayroon noon.   There is a big difference between an actor right for the role and an actor acting right for the role.  In this movie, lahat sila the right actors acting right on their roles.  The only OA moment dito is iyong eksena ni Lloyd Samartino with matching iyak and halik sa rosary.  It was not just convincing and realistic for that matter.

Naging malaking support ang musika sa loob ng pelikula. In fact, it is like watching a political thriller galling sa Hollywood.  SA sobrang galling ng lataw ng musika, mararamdaman moa ng poot building on your chest.  Although, sa simula ng pelikula may warning na work of fiction ito but, going throughout the movie, alam mo na tama ang sapantaha mo regarding doon sa Napoles issue.  This movie just explained everything that every Filipino wanted to know. Mararamdaman moa ng kaba ni Nora, ni Cherry Pie, at iba pang mga supposed to be witness dahil lamang sa lapat ng musika.

Perfect Movie

Maituturing na halos perpekto ang peilikula kung hindi nga lang doon sa reality na that the this movie is not the first movie that deals with this kind of topic.  Ngunit, for all its intent and purpose na baka nga gusto ng director at producer na gumawa ng pelikula that will ignite political maturity of the Filipinos, they have achieved it.  Kaya lang, mukhang ang mga pinoy ay talagang hindi handa or ayaw maging politically mature kasi 8 lang kami nanood sa loob ng sinehan.

Simple ang movie, walang pretensiyon, pero mag-isisip ka bakit ganoon ang ending.  Magagalit ka sa mga kontrabida.  Mabubuwisit ka kay Nora as Zeny na ramdam mo ang kanyang kaplastikan about sa corruption na kunwari ayaw niya ngunit talagang gusto niya. Dapat panoorin talaga ng bawat Pinoy ang pelikulang ito.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s