My Stories

Friends and Lovers

Para sa akin love is a very strange feeling.  Isang damdamin ngunit maraming uri.  Dahil sa napakaraming uri, parating nating napagkakamalan na ating pag ibig na ating nararamdaman ay totoong pag-ibig.  Iyon ang maraming pagkakamali ng nakakarami, dahil sa bulag sa pag ibig; di magawang analisahin kung anong uri ng pag ibig ang nararamdaman. Dahil dito paratig ko isinaksak sa aking isip na dapat magmahal ng tama at mabuti.

Sa bawat sandali na bumabaligtak ang aking sikmura at dumadagundung ang aking puso sa kaba tuwing nakakaramdaman ako ng atraksiyon sa iisang tao, parati kong binabalaan ang aking sarili.  “Ingat dude baka mali ang iyong nararamdaman”  Sa simula pa na ako ay natutong magmamahal mali na talaga.  Ang aking konsolasyon lamang alam ko na pagmamahal iyon. Dahil ako ang giver at ang isa ay taker.  Kamartiran man o katangahan “hey people THIS IS MY LIFE.”

Dahil parating gising ang akong diwa bawat sandaling tumitibok ang aking puso, parating me kalkulasyon sa aking isip kung anong uri ng damdamin ang puedeng umusbong.

Nagsimula ang lahat walong taon na ang nakalipas.  Hindi ko makalimutan ang isang maliit na bahay mga limang metro ang layo mula sa highway.  Napapaligiran iyon ng manicured bermuda grass, at may dalawang ilaw sa magkabilaan.  Katamtaman lamang ang liwanag ng ilaw hindi madilim hindi rin maliwanag.  Binitbit ako ng isa kong kasamahan sa opisina.  Pareho kaming mga empleyado ng isang malaking plantasyon ng saging.  Ang pagkakaiba lang ay mas mataas ang aking posisyon kesa sa kanya.  Inaya niya akong mag inuman sa maliit na bahay.  Aniya bagong bukas daw try daw namin.

Pagpasok pa lang namin sinalubong na kami ng isang me katangkaran na lalaki, hindi maitim hindi naman maputi.  Me kapayatan, naka skin head.  Super guapo, lalong tumingkad ang kaguwapohan sa suot niyang maitim na tee shirt at hip hop short pants.  Ipinakilala siya sa akin, inabot ang kanyang kamay upang makipag kumustahan.  Tinanggap ko ang kanyang kamay at pinisil ng mahigpit.  Iyon ay tanda ng sinseridad ko sa bagong kakilala.  Ngumit siya at ginantihan ko rin siya ng ngiti.  Kami ay kanyang sinamahan sa aming mesa.  Nakaupo na roon ang girlfriend ng aking katrabaho.  Naisip ko kaya pala dito ako dinala ng kaibigan ko; “HITTING TWO BIRDS WITH ONE STONE.”

“Hi Joy!.” ang bait ko sa girlfriend.  ” Kanina ka pa ba” sorry late kami ng boyfriend mo.  Nagtatalo pa kami kung saan mag inuman hindi naman niya sinabi na dito pala kayo magkikita.  Takot siguro baka mag sabunutan tayo.” Patuloy kong pagbati sa kanya na may halong malakas na tawa pagkatapos kong bumati ke Joy.

“Grab a seat pare.” sabi ko sa kanya.  Yumuko siya at umatras ng konti upang mailabas ng bahagya ang upuan na harap ng crotch niya at dahan dahang umupo sa upuan.  Matapos niyang  umupo tinawag niya ang waiter at saka tinanong ako kung ano ang gusto kong inumin.  Sinagot ko siya na pale pilsen lang at nagpaalam din ako na mag jijingle din ako.  Iniwan ko silang dalawa, nilakad ko ang daan patungo sa comfort room.  Inabutan ko sa Ardie fixing himself sa loob ng comfort room.

“Matagal na ba kayong magkaibigan ni Diboy ARD?”  tanong ko sa kanya.

” Actually, sila ni Joy ang magkaibigan kasi classmate sila noong high school.  Pero kilala ko na siya noon pa, ngayon lang naging close simula nang maging girlfriend ko si Joy.”

“Guapo siya kesa sa iyo.   Hahahahahaa. ”

“Toink umandar ka na naman.”  Pumasok na ako sa isang bakanteng cubicle and relieved myself.  Nasa loob pa rin ng comfort room si Ardie, hinihintay akong matapos umihi at sabay na kaming bumalik sa mesa namin.

Inabutan namin na malakas ang tawanan ni Diboy at Joy.  Nginitian namin pareho ang dalawa.  May limang bote na ng pale pilsen sa ibabaw ng mesa.  Kinuha ko ang isa at saka umupo.  Sumonod rin si Ardie.  Tinignan ko muna si Diboy at Joy at saka inalam kung anong masayang kuwento ang nag palakas sa tawa nilang dalawa.  Hindi sumagot si Joy bagkus tumayo at hinalikan si Ardie sa kanang pisngi saka umupo uli.  Nilingon niya si Diboy dahil kinalabit siya nito.  Inilapit ni Diboy ang kanyang ulo kay Joy na tipong mayroong ibubulong.

“Joy, etong kaibigan ng boyfriend mo TOYAB ba ito?”  Mahina ang kanyang boses na bumulong kay Joy, ngunit naririnig ko pa rin.  Marahil ay talagang sensitive lang talaga akong tao kapag me  nagbubulongan na mga tao.  Hindi maiiwasang gusto kong marinig ang mga binubulong.  Hindi ko na pinasagot si Joy at binalingan ko ng pansin si Diboy.

“Ikaw naman kay Joy ka pa mag tatanong eh puede ka naman mag tanong sa akin.”

“Naintindihan mo ang TOYAB?”  gulat na tanong niya sa akin.

“Of course!”

“Sorry ha.”

“No probs.  I understand you.  Matagal ko nang problema iyan. Seguro duda ka kasi mas maton pa ang mukha ko kaysa sa iyo kaya ayaw mong maniwala kung BAYOT ako.  Hahahaaha.”

Kinuha niya ang bote ng beer sa harapan niya, itinaas niya “Cheers pare.”

“For the good looks, to the bat cave.”  masayang sagot ko.

Tumatakbo ang oras nang hindi naming namalayan.  Nandoon na me dumating pang ibang kaibigan si Ardie at si Diboy.  Ipinakilala nila sa akin ang mga iyon.  Nang gabing iyon hindi ko naramdaman na ako ay naiiba sa kanila.  Ang takbo ng mga kuwentohan akala mo matagal na akong kasama nila sa kanilang samahan.   Kung ano ano ang mga pinag uusapan; nakakatuwa, nakakatakot, nakakapangilabot, at nakaka gising ng ng libog.  Name it we told it ika nga.  Nandoon na minsan ako ang bida sa kuwentuhan, minsan iba naman ang bida, at paminsan minsan grupo grupohan ang kuwentuhan sa kani kanilang mga katabi.

Mga alas diyes na nang gabi nang mag aya si Joy ke Ardie na magpahatid dahil gusto na nitong umuwi.  Nang mabakante ang upuan ni Joy, lumipat ako doon upang maging katabi si Diboy.  Kanina ko pa siya gusting kakuwentuhan ngunit sa layo naming dalawa maaring mag sisigawan kami.  Kumuha siya ng isang bote ng beer at itinapat niya iyon sa harap ko.  Kinuha ko ang beer at tinungga ng kaunti lamang dahil sa iyon ay hindi malamig masyado.

“Wait ikuha kita ng ice.”  sabi niya.

“Tawagin mo na lang ang waiter, hindi mo na kailangan ikaw pa ang mag – abala.” sagot ko naman.

“Hayaan mo na pards, nagpapalapad iyan ng papel sa iyo.” wika ni Jimbo Isa siya sa mga kaibigan ni Diboy na ipinakilala niya nong gabing iyon.

“Ganoon bakit naman kaya mag papalapad sa akin kung wala naman siyang interest sa akin.  I am sure di pumapatol sa bakla si Diboy.” parinig ko sa kanya.

“Sa tingin mo ba kakayanin mo siya.”  sumagot naman si Rohnel isa rin sa mga kaibigan ni Diboy.

“Bakit naman hindi, let’s see where this night will end to.”

“Hindi nga, isa si Diboy sa may ari dito kay magpapalapad ng papel sa iyo, para isa ka sa magiging regular customer ditto.”  sabi ni Jimbo.

Alas dose na nang hatinggabi at naubos na naming ang bale mahigit isang kaha na pale pilsen.  Ngunit hindi pa kami tinatablan ng alcohol.  Nagpalabas si Diboy ng isa pang kaha at nilagay sa cooler nasa gilid naming.  Ginulat kami nang biglang may isang motor na huminto at pumarada sa harap ng mesa naming.  Bumaba ang dalawang lalaki, kilala ko ang isa doon.  Si Junjun, ang aking boyfriend.

“Dadz, naligaw ka? tanong ko sa kanya.

“Nakita ko kasi ang likuran mo I just checked kung ikaw nga.” sagot nito. Tinignan si Diboy.  “Uy pare kelan ka pa umuwi, ano staying for good na?”  wika nito ke Diboy.

“Magkakilala kayo?” namangha akong nagtanong.

“Yeah, classmate kami sa Maryknoll of Panabo noong high school.  Siya ang aming defender.  Siya kasi pinakamatangkad at pinakamalaki sa lahat sa aming magkaklase.  Magkaibigan pala kayo ni Junjun?”

“Sobra pa sa kaibigan pare.  Girlfriend ko ang baklang ito.”  sagot ni Junjun sabay hinawakan ang aking magkabilang balikat.  Kumuha ng bakanteng upuan si Junjun at umupo sa likuran ko.  Inikot niya ang kanang kamay niya sa leeg ko at kinuha ang bote ng beer nasa harapan ko.

“Yours?” tanong niya.

Tumango ako.  Inubos niya ang laman ng beer at inilapag ulit sa mesa.  Kumuha si Rohnel ng dalawang bote at inilagay sa harap ko.  Kinuha ko ang isa inabot kay Junjun at inabot ko ang isa pa at ininom ng kaunti ang laman niyon.  Patuloy ang inuman naming lahat.  Si Junjun at Diboy panay pa rin ang kamustahan at kuwentuhan.

“Matagal naba kayong mag siyota?” tanong ni Diboy sa akin.

“Mga isang taon na.  Bakit mo naitanong?”

“Wala lang.  Nagtataka lang ako paano mo naging siyota si Junjun sa pagkakaalam ko nangbubugbog ng bakla iyan noong high school pa kami. “

“Hahahahahha ikaw ha ang linya pang parang nanghinayang ka na tayo ang dapat unang nagkakilala.”

“Hahahahahahahahahaha.” medyo may kalasingan na si Diboy kung ang malakas na halakhak ang basehan.”

Kinalabit ako ni Junjun sa gilid, agad akong lumingon sa kanya.  “Loves, dib a may trabaho ka pa bukas, mag aalas dos na ah.  Tara hatid na kita.”  Tumayo si Junjun at lumapit sa motor kinuha ang helmet, isinuot iyon at saka umangkas.  Tumayo na rin ako at nagpaalam sa grupo.

“Paano mga pare mauna na kami.  Diboy don’t worry count me in as regular customer mo ditto.  Suportahan kita, one of these days I will treat my whole staff for bonding dito sa lugar mo.  Nice meeting all of you.”

Umangkas na ako sa motor ni Junjun at mabilis agad niyang pinatakbo motorsiklo.  “Ano ba loves, dahan dahan nakainom pa naman tayong pareho.  Baka hindi tayo umabot sa papuntahan natin.”

“Hoy matulog na tayo at me trabaho ka pa bukas, huwag mo nang pasukan ng kung ano ano pa utak mo.  Kung di ko pa alam gusto mo lang mawala ang init mo sa katawan mo dahil kay Diboy.”

“Jaws ko pati kaibigan pagduduhan pa.  Haller ngayon ko lang nakilala iyon at hindi ko alam kaibigan mo pala. “  usal ko sa kanya na may kaunting panghihinayang.

“Bakit naman ako mag seselos kilala kita, buti nga dumating ako at seguradong me mangyayari sa inyo ngayong gabi na ito.  Dahil dumating ako at walang mangyayari kailanman.  I know you.”

Tumahimik na lang ako.  Tanda ng pag sang ayon ko sa kanyang mga sinasabi.

Hindi iyon ang nagging huling pag apak ko sa lugar na iyon.  Kagaya ng ipinangako ko ke Diboy nagging regular customer.  Seguro sa loob ng isang lingo mga tatlo or apat na beses na makikita mo ako doon.  Most of the time parati kong kasama si Junjun pag umiinom doon.  At kung may mga pagkakataon na hindi ko kasama si Junjun iyon ay sa kadahilanang office bonding iyon or minsan wala si Junjun dumalaw sa mga kamag-anak sa kabilang baranggay or gusto ko lang mapag isa at hindi na ako nagpapaalam kay Junjun.

Doon sa mga moments na gusto ko lang mapag isa parating kasama ko ang mga barkada ni Diboy.  Masaya silang kasama kahit na alam nila na bakla ako, pero hindi nila ako binabastos.  Seguro dahil regular customer ako,  Aba malalaki laki rin seguro ang mawawala kung sakaling mabastos nila at hindi na ipatronize ang puwesto nila.  Marahil iyon ang dahilan.

Isa sa mga hindi ko makalimutan na pangyayari sa lugar na iyon ay minsan nag away kami ni Junjun at doon ako nagpalipas ng sama ng loob.  Maulan ng konti ng gabing iyon kaya wala masyadong tao sa umpukan , dalawang mesa algn ang ukupado.  Natuwa ako at konti lang ang makakpansin sa malungkot ko na mukha.  Tinignan ko ang bar area.  Si Chris lang ang nakita ko nag lilinis.

“Nandito ka pala.” bati niya sa akin.   “Wala pa si Diboy mamaya pa iyon sinamahan pa niya sa Davao ang kapatid niyang babae.”

“Ikaw naman para mo na ring sinasabi na si Diboy ang sadya ko.” Sabay na napabuntong hininga ako matapos sabihin ang mga katagang iyon.

“Bakit hindi ba?”

“Ang conceited talaga ninyong magbarkada.  Naalala ko tuloy iyong barkada ko sa high school na over the top ang pag ka conceited.  Titigan lang ng babae iisipin kaagad me gusto ang babae sa kanya.”

“Ikaw naman hindi mabiro.  Iyan ang gusto naming sa magbarkada, hindi ka passive, parating me retort.”

“Siay iiwan muna kita hanap pa ako ng table.”

“Suit yourself maraming bakante walang tao p_ng inang ulan na ito.  Teka dito ka na lang sa loob ng bar.  Ako rin lang mag-isa tayo munang magkuwentuhan>  Ewan ko ba bakit wala pa ang iba, si Diboy lang naman ang inasikaso.”

Hindi na ako nagdalawang isip na hindi parating may imbitasyon ka sa puwesto nilang magbarkada pauupuin.  Umorder kaagad ako ng tatlong bote ng pilsen.  Gusto ko kaagad lunurin sarili ko sa sama ng loob.  Paminsan minsan kinakausap ako ni Chris minsan hindi kasi parating tumatawag ang girlfriend niya sa kanya kay naiistorbo ang kuwentuhan naming.

Nakaubos na ako ng anim na bote ng pumarada ang puting kotse ni Diboy.

“Ooks mukhang me kakanta na naman sa toilet bowl mamaya.  Kanina ka pa? ngiting bait niya sa akin.

“Heheheehehhe konti lang ito pards.  Why don’t you join me at mukha three days kanang abstain sa inom.  May tulo ka ano at nag anti biotic treatment ka.”

“Heheheehehehehe.  Ulol anong tingin mo sa akin pumapatol sa bayaran.”

“Bakit bayaran lang ban a babae ang nagkakatulo?”

“Siya tama na iba na lang pag – uusapan natin.  Nagkita kami ni Junjun sa SM nakakatuwa doon pa sa infant department at may kasamang babae.”

Natahimik ako at yumuko tinititigan ang mga bote ng beer.  Patuloy pa rin si Diboy sa pagkuwent dini describe kung ano ang hitsura ng babae.

“Nakakatuwa talaga iyang kaibigan ko ang pangit ng choices sa babae.  Mantakin mo kung mag ayos ka lang parang babae mas maganda pa ako doon.”  sinundan niya iyon ng malakas na tawa.  Hindi ako umimik, kinuha ko ang isang bote ng beer at I drank a portion of it.  “May problema ba kayo kaya ka nandito.”

“Girlfriend niya daw iyon na japayuki.  Nag usap kami sa cellphone, humihingi siya ng tulong, kasi buntis daw ang babae.”

“Ano naman na tulong ang gusto niya?

“Kung may kakilala ako na doctor na puede kong  mahingian ng resita na pampalaglag.”

“Iyon lang naman pala, anong problema mo doon.”

Tarantado siya, gagawa gawa ng krimen tapos idadamay pa ako.  Siya itong nagpapakasarap sa babaing iyon tapos ako ang maghihirap mag solve ng problema nila.”

Tumawa naman si Diboy ng malakas.  “Diba ikaw na rin ang may sabi na ok lang sa iyo na may girlfriend si Junjun tapos ngaw ngaw ka ng ngaw ngaw diyan.”

“Oo alam ko iyon pero hindi ko naman sinasabi na pagkakaitan niya ako.  Sabi niya isang beses lang daw may nangyari sa kanila at saka hindi naman daw siniseryoso niya ang babae.  Ulol ang pagkakaalam ko hindi nabubuo ang bata sa isang kantutan lang.”

“Ganoon talaga masarap eh.”

“Iyon nga ang masakit sa akin Dibs.  Imagine lagpas na kami sa isang taon tapos mabibilang ko lang sa kanan daliri ko ang mga pagkakataon na nasilayan ko sa kama si Junjun tapos heto ngayon may nabuntis.  Ibig sabihin talagang mas lamang sa ligaya ang babae, to think pera ko ang ginagamit nila.”

“Ikaw kasi masyadong mabait.  Naikuwento nga ni Junjun sa amin kung paano ang laki ng tuwa niya simula ng maging magsiyota kayo.  Hindi niya akalain ganoon ka generouse sa kanya in terms of pang unawa at pinansiyal.  Ayon naabuso ka.”

“Hindi mo ako masisisi, sa ganoon paraan ko lang maging akin ang kaibigan mo.”

“Iyon na nga ang problema marami naming lalaki ang katulad ni Junjun bakit ka magtitiyaga sa kanya kung ganoong nasasaktan ka na.”

“Siguro kung ikaw iyon puede pa.”

“Hahahahahahahahahahahahahahaha”

Imbes na makitawa ako, tumulo na lang ang luha ko.  Inilapat ni Diboy ang kaliwang kamay niya sa kanang balikat ko at pinuyos niya iyon.  All the more lumakas ang tulo ng mga luha ko.

Mayamaya “change topic tayo.” sabi ko sa kanya.

“OK”

Sa pagdaan  ng mga araw lalong napapalapit sa aking damdamin si Diboy.  Minsan nabibigyan ko ng malisya minsan hindi ang pagiging malapit naming sa isa’t isa.  Lalong tumindi ang friendship naming dahil lang sa isang pagsubok ko.  Minsan, nagging mahalay ang aking pag iisip.  Dumating sap unto na gusto kong bigyan ng malisya ang pagiging magkaibigan naming ni Diboy.  Ngunit, isang malaking challenge sa akin kung papaano gagawin ito.  Hindi isang ordinaryong lalaki si Diboy.  Nakakariwasa ito sa lugar nila.  Kung nangangailangan ito ng pangpapalipas oras, ang daming babae na at the drop of the hat mababaliw kaagad sa kanya.  Ang hirap isingit ang bakla.  Ngunit sinubukan ko parin.

Minsan.

“Boy, bigyan kita ng text mate.”

“Sure, maganda naman kaya iyan.”  sagot niya.

“Hindi naman ako insekuherada na bakla at di ko kakayanin makipag kaibigan sa isang mas maganda pa sa akin.  Hahahahahaha.  Yep she is beautiful, chinita, maputi, din nga lang matangkad, charming, makuwento, at most of all matino.”

“Ano number niya?”

Binigay ko ang cellphone number ni Maya.  And he saved it sa cellphone niya.  Afterwhich isinilid na niya sa pocket niya ang cellphone.  Patuloy kami sa inuman.

Kinabukasan, my phone beeped and saw Maya’s message.  Nag text napala si Diboy sa kanya.  Tinawagan ko ang babae.

“O ano masaya ka na at may text mate.”

“Ikaw talagang bakla ka kung ano anong pinagkukuwento mo sa kanya.  Ano iyong sinasabi mo na masyado daw ako maganda.”

“Totoo naman and I would not recommend you to that handsome guy if hindi ka mas maganda sa akin.  Ang bilis naman ng lalaking iyon kagabi ko lang binigay number mo textmate nap ala kayo.”

“Ikaw kasi kung ano ano ang pinagsasabi mo mamaya kung anong expectations ang nasa utak ng lalaking iyon.”

“Siya lets talk later, what time kayo darating sa plantation.  Ready na ang lahat para sa campaign management meeting natin. “

“Sige we will be there by eleven.c Ciao.”

Matapos ang kuwentuhan namin, I texted Diboy informing him na magkikita kami ni Maya sa plantation baka interesado siya pumunta sa plantation at magkukunwaring may I follow up sa department ko.  He replied that alam na daw niya magkikita daw sa canteen after ng workshop, bale iyon na daw ang eyeball nila.  Ang bilis talaga.

Now I have planted my initial step, move ako sa next level.

At eleven o clock later.

“Maya how was the trip?  Huwag ka nang sumagot ayon maalikabok pa rin ang daan.  Mabaho pa rin ang driver.  Abortion road pa rin ang daan.  Hahahaha.  Ikaw ha you missed on something mag eyeball pala kayo ni Diboy.”

“Loka, di pa ako sure kung sisipot ako.”

“I know.  Siputin mo na guapo talaga si Diboy.  Ikaw rin baka gapangin ko iyan at hindi mapupunta sa iyo.”

Inirapan lang ako ni Maya.

Later that evening.

“Did you see her?”

Tumawa lang si Diboy.

“I want to be a cowboy pare.  I hate Indians you know what do cowboys do with the Indians?  They shoot them.”

Sinagot ko siya, “Ay dagdagan mo ang linya mo ng akala ko ba ang mga Indians ay nasa America lang meron pala sa Pilipinas.  Hindi ka ninindiyan ni Maya, nagkataon lang na may emergency activity kami with the congressman at pumunta kami kaagad ng Davao after the workshop.  In fact, kararating ko nga lang from there.”

“Ok.  Galing pa lang ang Junjun mo dito.  Matagal napala kayo hindi nagkikita?”

“Yeah, ayoko kung tumikim ng pekpek.”

“Huh” nalilito si Diboy.

“Ayun ang japayuki nandoon sa bahay nila.  Feeling mag asawa ang drama.  Imagine nagpadala pa ng MMS sa akin na mag katabi sila natulog.  Akala siguro niya maiinis ako at magpadala din ako ng MMS na magkatabi kami ni Junjun natutulog.  Haller.”

“Bakit wala pala?”

“Cheap trick no.”

“Hoy kausapin mo na iyon at pinagseselosan na ako.  Binantaan ba naman ako.”

“Ano sabi niya?  Huwag kang maniwala doon.  Ano naman problema niya sa atin.”

“Ewan ko ba huwag daw kitang pansinin.”

Dinukot ni Diboy cellphone niya at me tinawagan.  “Maya puntahan kita diyan sa Davao sa opisina ninyo.  Oo makilala kita, magtatanong lang ako sa baklang ito kung ano hitsura mo.  I am sure maganda ka kasi this gay man here pag sinabing maganda maganda pag pangit pangit walang gray area sa kanya.  Yeah see you.”

“What is that?  Hindi ka talaga makatulog and so fast the talaga ang approach.”

“Tara inom tayo my treat.”

“Sureness your highness my goodness my loveliness.”

Iyon ang nagging simula ng malimit naming pagsasama ni Diboy.  From time to  time nakakatanggap ako ng text messages sa kanya.  Pero, hindi mga forwarded messages kung hindi puro tanong na may kinalaman kay Maya.  Paminsan-minsan  kinukumusta ako pero segue kaagad kay Maya.  Ano pa nga ba magagawa ko eh di suportahan eh.

Ilang araw ang nakalipas, tinawagan ako ni Diboy.  “Pards, totoo pala talaga sabi mo.  Ang ganda niya.  Unang tingin ko nga sa kanya parang hindi siya taga Davao kung hindi taga Maynila.  Ang mukha niya parang modelo ng mga advertisement.”

“So nagkita na pala kayo?”  Kelan pa?”

“Two days na kaming lumalabas.  Inaabangan ko siya after office hours.  Hindi ako hihinto hanggat hindi ko mapasagot ang babaing ito.”

“Dude, do not forget she is a dear friend of mine.  Please do not hurt her.  Textmate lang ang purpose ko para sa iyo diyan.  Di ko akalain ang lalim pala ng curiosity mo.”

“I know.  Punta ka mamaya sa place ko let us celebrate.”

Nagkita kami ni Diboy kinagabihan at kinuwento niya lahat ng detalya kung paano sila nagkita ni Maya at iba pang detalya sa dinner bonding nila.  He told me kung ano ang basa niya sa pagkatao ni Maya which na matagal ko nang alam.

Dumating din si Junjun ng gabing iyon, ngunit hindi ko hinarap.  I told him I am not yet ready to face him.  “Clean up your mess first Junjun before you search me.” Iyon ang mga katagang sinabi ko sa kanya.  Hindi na rin niyaya ni Diboy si Junjun ng inuman that night, dahil sa mga binitawan kong mga salita.

Nagising ako ilang oras makaraan ng inuman naming ni Diboy.  Pagdilat ko ng mata, nakita kong may katabi ako sa kama.  Niyakap ko ang hubad na katawang iyon.  Makinis.  Lumakbay ang aking kamay patungo sa kanyang dibdib.  Pumikit ako ulit.  Dinama ng aking kamay ang matipunong dibdib niya.  May  kaunting balahibo sa bawat nipple niya.  Nilalaro ko iyon habang nakapikit ako.  Lumakbay pababa ang aking mga kamay, naglalaro sa butas ng pusod niya.  Umungol ang lalaki.  Idinilat ko ang aking mga mata.  Nakita ko ang mala skin head na ulo niya.  Nagulat ako.

“Shit what is Diboy doing in my bed.” singhal ko sa aking sarili.  Nitigan ko ng mabuti ang katawan ng lalaki.  Hindi ko alam kong maging malungkot or maging masaya sa pangyayaring ito.  Iniangat ko ang aking ulo upang silipin ang nagmamay ari ng katawang iyon.  Pinikit ko muna ang aking mga mata at dahan dahan I peeked on him.  Nang idilat ko aking mga mata, “Thank God.”

I immediately got out of bed and rushed to the bathroom to take a bath.  Sumisipol ako habang naliligo, I was so happy para sa lalaki.  Maya maya bumangon na rin ang lalaki at pumasok sa CR upang umihi.  Wala siyang pakialam kahit nandoon pa ako naliligo.  Pumuwesto siya sa toilet bowl at inilabas ang mga naipong ihi.  Tinignan niya ako at and I smiled at him.  Matapos umihi, “Naka on na ang dispenser mag kape ka muna, nasa table ang kape at asukal.  Help yourself”  Ano nga pangalan mo?

“Albert.” Lumabas agad siya ng banyo and went to make coffee.  “Gusto mo rin ba magkape?”

“Please make me one.” nang matapos akong mag shower hindi na rin ako nag tapis ng tuwalya dumiretso na ako sa mesa and sip on the coffee that he prepared.

“Hi, saan ba kita napulot.?”

“Hindi mo ako napulot, hinatid kita.”

“Huh, ikaw ang nag hated sa akin.  Hindi ang kaibigan ko.  Ang naalala ko nasa kotse na ako niya at ihahatid daw niya ako pauwi.?

“Ganoon.  Nakita kita nakatayo sa harap ng Panabo Lodge.  Pinara mo ako at niyaya mo ako dito sa apartment mo.”

“Oh umandar na naman pala ang libog ko.  Hinatid na ako lumabas pa.  Tell me about yourself Albert.”

Nagkuwento ang lalaki.  Tumayo ako upang maghanda ng almusal.  We continued having a conversation while I prepare the breakfast.

Matapos ang almusal.  “Wala akong maalala kung may nangyari sa atin.  I hope you won’t mind if I want you in bed right now.”

“Hahahahaha.  Wala after we undress each other, nakatulog ka na.  Nakitulog na rin ako.  Napagod ako sa kabiya biyahe ng tricycle tapos walang pasahero.  Naisip ko ditto na lang mag palipas ng magdamag.”

Lumanding na kami sa kama.  He was on top of me.  Tinitigan niya ako, he scooped my head and kissed me on the lips.  Ang husay niya humalik.  Naging busy ang kanyang mga kamay kalalapirot sa magkabilang nipple ko habang inararo niya ng halik ang aking mga labi.  Umiindayog din ang kanyang mga balakang na animo sumasayaw sa isang musikang nakaka hypnotize.

“Dagdagan ko na lang ang bayad nito.  ang galling sa kama.” Sabi ko sa sarili ko.  Niyakap ko nang mahigpit ang kanyang mga balakang at bumaliktad kami ng posisyon.

I was happy na hindi pala si Diboy ang lalaki.  Hindi ko ma explain kung bakit ganoon ang naramdaman ko when I learned na hindi pala siya.

Isang umaga malapit na mag alas singko, nagising na lang ako sa isang napakalakas na katok sa pintuan ng apartment ko.  Dali dali akong bumangon upang tignan ko iyon.  Si Diboy pala.  Hindi ko matanto kung ano ba ang expression ng mukha niya.

“Can I come in? tanong niya.

“Of course, you want coffe tea or me?”

“Ang aga aga kalandian ang nasa isip mo.”  nakangiting sambit niya.  Pero kahit nakangiti, hindi ko maananinag pa rin sa mukha niya ang kasayahang iyon.

“What brings you here, napakaaga mo at first time pa na dinalaw mo ako sa apartment mo.  Paano mo nalaman dito.?

“Yo dude, hinatid kaya kita ilang araw na ang nakaraan.”

“Ay oo nga pala.  So what is the problem.”

Yumuko siya and his fingers were playing on the rim of the cup.  Huminga ng malalim at tinignan niya ng mabuti ako.  Walang ngiti, blanko ang expression.  “pare ok lang ba sa iyo kung,” naputol siya nag ring ang alarm clock.  Tumayo ako at pinatay iyon.

“Ano ba iyang sinasabi mo?” Kinakabahan ako dito sa pag uusap naming ito.

“Ok lang ba sa iyo, kasi shit ihagis mo iyang alarm clock mo ang ingay hindi ko tuloy matapos tapos ang sasabihin ko.”

Tumayo ulit ako at tinanggal ang baterya sa alarm clock bumalik ako sa mesa.  Pagka upo ko, kinuha ni Diboy ang aking dalawang kamay pinuyos niya iyon sa kanyang dalawang kamay.  Tumitig sa akin..

“Dude I hope ok lang sa iyo ang sasabihin ko.  Kagabi ko lang nalaman at gusto ko ikaw ang maka una.  Alam ko maging masaya ka at masaya din ako sa sasabihin ko.  Sana huwag mong ikuwento muna sa lahat.

Tumikhim ako ng mahina.  “Ano ba ang gusto mong mangyari.?”

Hinawakan niya ang aking chin at inangat ang mukha ko.  He smiled.  Lumalakas ang kabog sa dibdib ko.  Hindi ko magawang ngumiti bagkus yumuko ako ngunit inangat na naman niya ang aking mukha.  Lalong naging prominente ang ngiti sa mukha niya parang aabot sa magkabilang tenga ang lapad ng ngiti na iyon.

Akmang tatayo n asana ako ngunit pinigilan niya agad ako.  Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at iniupo.  Tumawa siya ng pagkalakas lakas.  Hindi pa rin niya ako inalisan ng mga titig niya.

“Ano ba ang gusto mong ipahiwatig?”

He sighed deeply.  “Me gusto lang akong sabihin sa iyo.”

“So, ano iyon?”

“Sinagot na ako ni Maya, I went to her house and ask for to love me and she said yes.”

Tinitigan ko siyang mabuti.  Magkahalong tuwa at pangamba ang aking naramdaman.  Ngunit, hindi mababakas sa aking mukha ang katuwaan.

“O bakit ka malungkot sa balita ko.  Hindi ka ba happy?  Dib a ikaw na mismo ang may sabi na matutuwa ka pag naging siyota ko si Maya?”

“Oo naman. “  Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa aking sasabihin sa kanya.  I am happy but worried sa kaibigan ko.  I know you Diboy, baka hindi mo magampanan ang pagiging boyfriend mo sa kanya.”

“Asus mukhang wala kang tiwala.  Do not worry promise I will not hurt her.  Thank you ha kung hndi dahil sa iyo di ako magkaka girlfriend.  Imagine it has been five years since nagka girlfriend ako.”

“Really, bakit?”

“I have not found somebody to my liking.  Lahat ng na meet na babae are so so, alam mo na iyong tipong hindi mo kayang ipakilala sa nanay mo.  Si Maya iba, iba talaga.”

“So dapat pala maningil ako ng kapalit diyan sa ginawa ko.”

“Name it I will give it for you.  Ano iyon?”

Natahimik ako at tinitigan siya ng malalim.   Hindi rin niya inalis ang pagkatitig sa akin.  May katagalan din ang pagtitigan naming iyon.  Kumunot ang noo ko at nag salubong ang aking kilay.  Siya naman iningat  sandali ang dalawang kilay.

“O ano ang gusto at gagawin ko.?”

“Saka na lang mag iisip pa ako ng kapalit.  Iyon hindi ka mahihirapan at masasarapan ako.”

“OK I will gove you time to think.  Mauna na ako at sasamahan ko muna si Daddy sa kanyang pangangampanya.  Call me when you are ready.?

“Sure, If I am maligo kang mabuti ha.”  Napatawa kaming dalawa ng malakas.  Umalis agad siya at tumakbo papunta sa kanyang sasakyan nakaparada sa harap ng gate ng apartment ko.

I fixed myself readying to work.  Pagkatapos kung maihanda ang sarili naglakad ako papuntang sa sakayan ng jeep going to the plantation.  Habang naglalakad ako iniisip ko kung ano ang hihingiin ko na kapalit.

Actually, hindi ko na kailangan isipin pa.  Alam ko naman talaga kung ano gusto kong kapalit.  Ang buong katawan niya.  Ngunit, dinaig ako ng damdamin na kaparehas ng ibinigay ko sa aking mga barkada noong high school.

Naistorbo ang aking pag iisip ng may bumubusina sa likuran.  Nilingon ko iyon, si Diboy pala.  Huminto siya sa harapan ko ibinaba niya ang bintana at tinanong ako kung saan ako papunta.  I pointed my fingers to a certain direction.  Sinagot niya ako hindi kita maihatid sa kabila naman kasi ang biyahe niya.  Napagkasunduan na lang naming magkita mamayang gabi sa apartment ko.

Ilang sandali nakasakay na ako sa isang lumang jeepney papuntang plantasyon.  I was having butterflies in my stomach, imagining what would happen later this evening.

Pag uwi ko ng kinahapunan, agad akong nag linis ng apartment ko.  Pagkatapos nag luto ako ng dinner.  Nag text kasi si Diboy dito daw maghapunan gusto daw niya tikman ang sisig ko.  Naikuwento pala ni Ardie na minsan nag inuman kami sa apartment ko I served it as pulutan.

Naligo na ako pagkatapos kung ma set ang mesa ready for eating.  Akmang palabas na ako ng banyo may kumakatok sa pintuan.  Lumapit ako at binuksan, si Diboy pala.

“Late ba ako, hi how are you.?” bati niya sa akin.

“Ulol anong late kita mo kalalabas ko pa lang ng banyo.  Maupo ka muna at magbibihis lang ako.”

Dumiretso na ako sa kuwarto ko at nagbihis.  “Yot labas muna ako sandali, naiwan ko sa kotse ang Chivas Regal na dinukot ko sa aparador ng daddy.”

Sumigaw ako, “Ok”

Nagpatuloy ako sa pagbihis.  Sinuot ko ang bagong bili ko na polo shirt at cargo short pants.  Huminga ako ng malalim at nag iisip kung ipagpatuloy ko ba ang aking plano.  Naupo ako saglit sa gilid ng kama at tinatapik tapik ng aking mga daliri ang aking mga tuhod.  Lumingon lingon sa loob ng kuwarta.  Mayamaya, tumayo ako at inayos ang kama.  Pinagpag ko iyong mabuti at inayos ang tatlong unan at kumot.

Paglabas ko na ng kuwarto, nakabalik na pala si Diboy sa loob ng apartment.

“Pare nakialam na ako sa gamit mo ha, kumuha ako ng dalawang baso wala ka palang wine glass.”

“Sure, no problem.  Ano kaya kung kumain muna tayo?:

“Huwag na inom na lang tayo agad pampalakas ng loob.”

Tinitigan ko siya at napasabi sa aking sarili.  “Mukhang may alam ang loko na ito ah.”  Pagkatapos, “sabagay busog pa rin ako, tara pulutanin na lang natin ang sisig na niluto ko.

“Hay salamat makakatikim din ako ng luto mo.  Matagal na pinagyayabang ni Ardie ang luto mo.  Buti pa siya parating nakakatikim ng luto mo.”

Nagbuhos siya ng alak sa dalawang baso na may ice na.  Inabot sa akin ang isang baso.  Matapos kung tanggapin ang baso, itinaas niya ang kanyang baso. “Cheers, to good looks to the bat cave, and to an exciting night heheheheheehe.” At itinapat ko ang aking baso sa kanyang baso at sabay naming ininum ang laman ng mga baso naming.

“Kamusta nap ala kayo ni Junjun?” banggit niya kaagad matapos ubusin ang laman ng kanyang baso.

Inubos ko muna ang laman ng aking baso saka ko sinagot ang tanong niya.  “Ayun panay text, sige ang hingi ng sorry.  Ewan ko ba diyan sa kaibigan mo parehas talaga kayo ang likot kapag may plada.”

“Bakit kasi hindi ka nagpapalda?” nakangiting sinagot niya ako.

“Diboy nag  aral akong mabuti upang hindi ako magpapalda.  I don’t want to a circus act.  Kung hindi lang seventy five ang grado ko sa algebra gruamaduate sana ako ng cum laude sa ADDU.”

“Eh di kung nagpalda ka sana baka natripan na kita noon pa”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Hehehehe joke joke joke.”

“Ngek.”

“Ngayon bakit ngek?  Pinagnanasaan mo ako no? Alam ko naman iyon matagal ko nang nahalata ang mga malagkit mong tingin sa akin.  Kaya ayun nag seselos ang Junjun sa akin.”

“Wala siyang karapatan magselos Diboy, alam niya iyon.  He knows what I feel to both of you.”

“Alam mo ba kung bakit ako nag yaya ditto sa apartment mo?  Dahil alam ko kung ano ang hihingin mo na kapalit, kaya kinulimbat ko sa wine cabinet ni Daddy itong Chivas Regal para pampalakas ng loob.  First time eh sa mga katulad mo.  Kung hindi lang naging napakasaya ko sa ginawa mo sa akin, hindi kita pagbibigyan.”

“Sandali lang nature’s call muna ako.”  Tumayo ako at mabilis nilakad ang banyo upang umihi. “

“Jaws ko, ano ito.  Katuparan na ba ito sa aking plano.” Natapos na akong umihi hindi pa rin ako lumabas ng banyo.  I rest my back sa wall at patuloy na nagiisip.  Flashes of scenes sa mga bonding moments naming ni Diboy.  Inaalisa ko ang bawat isa.

Maya maya, “Ano ba bilisan mo kanina ka pa diyan?”  Si Diboy akmang binibuksan ang zipper.  “Ako naman ihing ihi na ako.”  Dumiretso agad siya sa toilet bowl at umihi.  Dahil sa nakasandal ako sa pader ng banyo at nasa tagiliran ang bowl, hindi ko maiwasan masulyapan ang kargada ni Diboy.

“Putang inang ihi na iyan, mukha isang taon hindi nailabas.”

“Ok ba.”

Nauna akong lumabas ng banyo at tinungo ang sofa, umupo ako at kinuha ang aking baso at siniliran ko iyon ng panibagong laman. Lumabas si Diboy sa banyo na nakapantalon na lamang naka unbuckle ang belt at hindi na nagzipper.  Nakalawit ang kanyang polo shirt sa kanang balikat niya.

Umupo siya sa tabi ko at binunggo niya ako sa may braso.  Ginantihan ko rin siya ng bunggoan.  Pagkatapos, napayuko si Diboy at tinitigan ng mabuti ang baso.  Sinulyapan ko siya at hindi na naalis ang aking titig sa kanya na ganoon ang posisyon sa kinauupuan.

“Diboy may sasabihin ako sa iyo.”

‘No need, alam ko ang gusto mo.”

“No Diboy you don’t, akala mo lang alam mo.” Tumingin siya sa akin na namamangha.

“Ano iyon?”

“Alam mo sa simula pa lang una tayong nagkita, I really like you.  I know it is a big challenge on my part to have you considering all the factors behind you.  But, I love challenges.  I planned on this noon pa, kahit noong hindi pa kami nag away ni Junjun.  Pati ang tungkol kay Maya included iyon sa plano ko. But..”

Pinutol niya ako.

“Kung ganoon pala what took you so long tonight, aba eh malapit na maubos ang alak natin, heto nakaupo pa rin tayo.”

“Kung alam mo lang, kanina pa ako nagtitimpi dito.  Sabi ko nga kanina but…..”saglit akong huminto ipinatong ko ang kanang kamay ko sa kaliwang balikat niya, “ my mind is confuse with regard to the two of us.  There is a part who wanted to have sex with but there is a part that says I don’t have to eat my brother.”

“Sus kung ano ano pa ang drama mo diyan, halika ka na nga.” Mabilis na naipatong niya ang kanyang kaliwang kamay sa batok ko, ilalapit na sana ang mukha niya sa mukha ko nang……

“Kuya me naghahanap sa iyo sa gate.”  Sigaw ng katulong sa kabilang pintuan.

Tumayo ako at lumabas ng apartment tinungo ang gate, binuksan ko iyon.  Si Junjun pala, tumambling ang puso ko.  Hindi ako nag pahalata.  Hindi ko alam ang tumbling na iyon is dahil sa nakita ko siya or natatakot na baka kung ano ang tatakbo sa utak niya pagnakita niya si Diboy sa loob ng apartment ko.

“Hindi mo ba ako patutuluyin?  He moved forward at hinalikan ako sa labi.  “I miss you loves.”

“Hmmp if I know hindi nagpadala ang tito mo ng allowance kaya naalala mo ako.”

“Timang talaga ito, ako na nga naunang lumapit sa iyo kung ano ano pa ang iniisip mo.  Patuluyin mo nga ako at nagugutom ko, mag usap tayo.”

“Ha eh kuwan.” Dumiretso agad siya sa apartment ko.

“Diboy, what are you doing here, bakit ka nakaganyan.”  Nasa likuran na niya ako, “Kaya pala para kang nakakita ng multo, may kapre pala sa loob ng apartment mo.”

“Pare, maupo ka muna,” tumayo si Diboy at nilapitan si Junjun kinuha ang kanang kamay, hinila siya papunta sa malaking sofa sa harap ng iniuupuan namin ni Junjun.  “have a drink, nag celebrate lang kami ng loves mo, dahil sa kanya I am happy again.”

Umupo si Junjun, sumunod ako at tumabi sa kanya.  Pagkaupo ko niyakap ako ni Junjunsa may likuran ko.  Nagsalin ako ng alak sa baso ko at ibinigay ko sa kanya.  Matapos inubos ang laman, kumuha ako nga kutsara at ibinaon ko sa sisig at saka isinubo ko sa kanya.

“Gusto mo pa?”  Iba ang kanyang sinagot.

“Kanina pa kayo pre?”  tanong niya kay Diboy.

“Yeap mga nearly seven, paubos na nga ang alak na dala ko.”

“Teka, me dala din pala ako local lang hindi gaya ng dala mo, anyway pang pabaliktad din ng sikmura iyon.  Teka ha kukunin ko muna sa motorsiklo ko.”  Tumayo siya at lumabas ng apartment.

Naiwan kami ni Diboy, tahimik na nagtitigan.  Pinutol kaagad niya ang katahimikan.  “Thank you.”

“For what?”

“I will tell you later pag may time.”

“Ok.” Nakabalik na si Junjun at inilapag sa center table ang dala niyang alang.  Whiskey din, Cutty Sark ang brand.  Naalala ko bigla ang mga high school friends ko.  Sumandal ako sa dibdib ni Junjun may ngiting nakausbong sa aking mga labi.  Napansin ni Diboy at Junjun ang mga ngiti ko.

“Uy ang sweet nila.” Malakas na kantiyaw ni Diboy.

“What brings that mischievous smile in your face?” tanong ni Junjun na nakangiti din at kinurot ang aking chin.

“Wala may naalala lang ako sa dala mong alak Jun.”

Inubos namin ang oras at alak sa kuwentuhan at halakhakan.  Subalit mas maraming pagkakaton na si Junjun at Diboy ang parating nagkukuwentohan, mistulang GRO ang role ko.

Bandang alas tres na ng madaling araw ng magpa alam si Diboy upang umuwi.  “Jun hiramin ko muna lalabs mo, may sasabihin lang ako, OK lang?”

“Sige maliligo lang ako at bilisan niyo.”

Sabay kaming lumabas ng apartment at inihatid ko sa kanyang kotse.  Humarap siya sa akin at.. “Thank you.”

“Para saan?”

“Sa gabing ito at sa respeto mo sa akin.  Alam ko na bakit ka nag aalangan.”

“Really?”

“Yeah, kala ko magbabago an gating friendship after tonight.”

“Ikaw kasi kung ano ano ang iniisip mo.  I admit at first I wanted to but, sanity ruled me over.  I don’t want to lose your friendship.  I don’t want to lose Junjun at this time.  And I don’t want to lose my integrity and myself.”

“I understand, now I know bakit love ka ng kaibigan ko.  Tama pala ang kinukuwento niya sa amin na you are one of a kind. Naalala ko tuloy the first time we met that I asked Joy if bakla ka bang talaga.  Ayaw ko kasi maniwala diyan sa pagmumukha mong parang pulis.  Siya I’ll go ahead baka tapos na si Junjun.”

“Okidoki.”

I stood there for a moment even though nakaalis na si Diboy.  Biglang may kumalabit sa likuran ko.  Hindi ko na nagawang lumingon, niyakap kaagad ako ni Junjun habang nakatalikod ako.  A tear fell.  Hindi ko alam kung para kay Diboy, para kay Junjun or para sa sarili ko.  Hinigpitan lalo ni Junjun ang mga yakap niya, tila nakita niya ang pagpatak ng isang butil na luha.

“Tara na Jun, let us take a rest.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s