Writing Attempts

Reversal Of Fortune
Prologue
“Ate, si Nanay malubha na talaga.” Impit ng kapatid ni Daisy habang tumutulo ang luha. Kagagaling lang niya sa kolehiyo na malapit lang sa kanila at nilalakad lamang niya tuwing siya as mag-aaral. Hindi niya akalain na ito ang madadatnan niya na eksena. Ilang minute na lang at kailangan na niyang magbihis upang sasabak sa kanyang night job. Kailangan niyang kumayod dahil hindi sapat ang kita ng inay niya sa paglalako ng kung ano-ano sa lugar niya upang kumita ng pera at may panustos sa pang-araw araw na pangangailangan.
“Huwag kang mag-alala Nina, gagawa ako ng paraan.” Makailang sandal nasa harap na siya sa pintuan ng kaibigan niya na nagtatrabaho sa isang KTV bar sa Makati. Bumukas ang pinto at lumabas si Celia. “O, Daisy andiyan ka pala, ano ang sa atin. Halika, maupo ka.” Kinuha niya ang isang plastic chair at dahan dahan siyang umupo.
:Gusto kong sumama sa iyo.” Pabulong niyang bigkas bilang sagot sa tanong ni Celia.
“Ano?” nabigla siya sa sagot ng kaibigan.
“Ang nanay, malubha na kailangan ko ng malaking pera para may pangbayad ako sa pagpa-ospital sa kanya.”
Sagot ni Celia, “alam mo ba ang sinasabi mo?”
“Oo alam ko, at kailangan kong gawin, ayaw ko pang mamatay ang inay. Hindi ko kakayanin.”
Napabuntong hininga na lamang si Celia at lumuhod sa harapan ni Daisy kinuyom ang mga palad nito sa dalawang palad niya at nagsalita sa kung anu-anu ang mga posibleng mangyayari sa loob ng KTV Bar.

“Tagay pa” sigaw ni Jason. Lasing na pero pilit nilalabanan ang kalasingan. “Putris wala na bang ibang babae ditto, akala ko ba premium KTV bar ito. Nestor kumuha ka nga ng iba iyong bago.”
Kumatok si Daisy sa private room, ilang saglit bumukas iyon at bumungad sa harapan niya ang mukha ni Jason na nakaupo malapit sa wall mounted LED TV. Nilalagok ang whiskey habang nakatingin sa kanya. Kumabog ang puso ni Daisy, hindi niya alam kung saan galing ang nararamdaman niya. Hindi takot kung hindi awa sa lalaking pilit nilalabanan ang masamang epekto ng alak.
“Good evening po sir.” Malumanay niyang binati si Jason. Hindi sumagot si Jason bagkos pinapagpag ang bakanteng puwesto sa malaking upuan na kinauupuan niya. Lumapit si Daisy pero hindi umiiwas ang mata sa mga titig ni Jason.
“Hmmmm, I like you” sambit ni Jason. “Anong gusto mong orderin?”

Chapter One

5 Years Later
“Ate Daisy, nandiyan na ho ang aplikante natin bilang kolektor” patugon ng kapatid niyang si Nina.
“Sandali lang at may pinag-uusapan pa kami ng inay sa telepono. Paupuin mo muna, “ sagot niya sa kapatid. Gumaling na ang nanay niya salamat sa sugal na ginawa niya limang taon na ang nakaroon. Isang sugal na lumabas siya waging wagi. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa nangyari despite ibinenta niya ang kaluluwa niya, gumaling ang nanay niya at nagkaroon siya ng isang kagiliw-giliw na anghel. Patuloy siya sa pag-recall ng sandaling iyon ng biglang pumasok si Jaydee.
“Mommy!” sigaw ng isang guwapong batang lalaki na mag-lilimang taon na sa mga susunod na buwan. “The man out there was playing with he and he said that I am very handsome daw.” Nakangiting sabi ng anak niya.
“Of course anak kasi maganda ako,” pabirong sagot niya sa anak niya.
“Ang daddy ko ba mommy, handsome din ba kagaya ko?” tanong ng anak niya. At biglang naalala ni Daisy ang gabing iyon.
“Ako nga pala si Daisy, your KTV attendant.” Tumaas ang kilay ni Jason “I’m Jason, halika maupo ka.” Umupo si Daisy sa tabi ni Jason at panay naman ang titig ng lalaki sa kanya.
Napakagandang babae sayang at ditto kami nagkita, bulong ng utak ni Jason. Hindi niya maalis ang titig sa mukha nito na bilugin ang mata na kulay hazel brown, matangos na ilong, at makinis na mukha. Seguro kung itong babae ang dadalhin niya at ipakilala sa nanay niya seguradong magwawala ng wala sa oras lalo na kung malalaman niya na kung saan nag-tatrabaho ang babae. “ Hmmmmmmmmmmm why not?” usal ni Jason sa sarili. Matagal nang meron nirereto ang kanyang nanay sa kanya para asawhin ngunit wala pa sa utak niya nag mag-aasawa. Gusto lang niyang asarin ang ina nito kung bibitbitin niya si Daisy sa mansion nila.
Hindi akalain ni Daisy na maging attracted siya kay Jason, wala pang lalaki na gumulo sa damdamin niya tulad ng nararamdaman niya nang gabing iyon. Kung kaguapuhan lang pag-uusapan, madedehado ang mga current pinoy young actors kay Jason at kahit na ilang mga Hollywood actors. Kakaiba ang buhok ni Jason, maitim iyon ngunit may mga konting blonde streaks ang mga iyon. Ang matangos na ilong nito ay may kakarampot na mga freckles, pinkish lips, at kasingkinis ng mukha niya nag mukha ng lalaki. She showed a shy smile to him.
“Bakit ganyan mga ngiti mo?” tanong ni Jason sa kanya.
“Iniisip ko lang kung parehas ba tayo na may foreign blood,” sagot ni Daisy sa binata na sa tantiya niya ay halos magkasing-edad lang sila. Malapit na siyang mag beynte anos sa susunod na buwan.
Hindi tumogon siya Jason bagkus hinapit niya nag leeg ni Daisy at nilapat ang mga labi ng binata sa dalaga. Hindi makapalag si Daisy, feeling niya para siyang nasa alapaa ng mga sandaling iyon.
“Get a room!” sigaw ng kaibigan ni Jason na si Nestor. “Tara na nga iwan na natin ang mga ito.” At sabay nagsi-alisan ang mga barkada ni Jason.
“Sumama ka sa akin.” He said in a very sexy voice.
Medyo kinakabahan si Daisy pero iyon ay natalo ng kanyang naramdaman at sumagot siya, “sure, why not basta ba me presyo.” Hindi alam ni Daisy kung saan nanggaling ang mga katagang iyon. Marahil iyon ay dala ng pag-aalala niya sa nanay na hindi nawala sa isipan niya habang ini-entertain ang grupo ni Jason.
“Hmmmm, honest girl, magkano?” sagot ni Jason na may kahalong ngiti. “You know what this will be my first time to pay for sex. I find you alluring at sa tingin ko hindi ka sasama sa akin kung walang bayad. You just know how to play your cards well. “
“Hindi naman sa ganoon, kailangan ko lang ng malaking halaga para pang-paospital sa nanay ko.” Gumagaralgal siyang sumagot.
“Your reason might be as old as the profession itself, but my hormones can’t wait any longer. Let’s go.!”
Itutuloy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s